Posts

Showing posts with the label egipto

Exodo 32, 7-14

Image
Aklat ng Exodo 32, 7-14 Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung gusto mo, lilipulin ko sila at iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.” Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita’y inialis ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang inyong balak laban sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila’y para...

Exodo 17, 3-7

Image
Aklat ng Exodo 17, 3-7 Noong mga araw na iyon: talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga hayop?” Kaya, taimtim na nanalangin si Moises sa Panginoon, “Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Ibig na nila akong batuhin?” Sumagot ang Panginoon, “Magsama ka ng ilang pinuno ng sambahayan ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa ilog at lumakad na kayo. Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Horeb. Hampasin mo ito at bubuhal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Gayun nga ang ginawa ni Moises; at ito ay nasaksihan ng mga kasama niyang lider ng Israel. Ang lugar na yaon ay pinangalanan nilang “Masa” at “Meriba” dahil sa doo’y nagtalu-talo ang mga Israelita at sinubok nila ang Panginoon. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan sila ng Panginoon o hindi.

Mikas 7, 14-15. 18-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas 7, 14-15. 18-20 Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad. Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan. Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay pinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28

Image
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito’y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas. Dinamdam ito ng kanyang mga kapatid at ayaw nilang pakisamahang mabuti si Jose. Nasa Siquem ang mga kapatid ni Jose at doon inaalagaan ang kawan ng kanilang ama. Sinabi ni Israel, “Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid.” Sumunod si Jose at natagpuan ang mga kapatid sa Dotan. Malayo pa siya’y natanaw na ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. Sinabi nila, “Ayan na ang mapanaginipin! Patayin natin at ihulog sa balon, at sabihing sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.” Narinig ito ni Ruben at binalak na iligtas si Jose. Sabi niya, “Huwag, huwag nating patayin. Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.” Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid. Paglapit ni Jose,...

Miyerkules - Disyembre 28, 2011, Ninos Inocentes

Image
Miyerkules - Disyembre 28, 2011 Ninos Inocentes Unang Pagbasa 1 Juan 1:5–2:2 Mamuhay Ayon sa Liwanag 5 Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya. 6 Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. 7 Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak. 8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. 9 Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid. 10 Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nati...