Posts

Showing posts with the label bishop

First things First

Image
Bilang patuloy na pagpapalaganap ng Mabuting ng Panginoon pinahayag ni Obispo Broderick Pabillo, nishop administrator ng Archdiocese of Manila, ang isang palagiang programa para sa ikakalalim ng ating pananampalataya bilang mg Kristiyanong Katoliko, Kaya maging bukas tayo na mapakinggan ito. Isang paghihimay ng mga Salita ng Diyos at paghamon nito sa kasalukuyang panahon at sitwasyon at mga katangunan na hinaharap ng isang taga sunod ni Kristo Hesus. kaya lang ay medyo maaga 5:30 ng umaga. Bagamat pwede pa rin naman mapanood ulit pagkatapos na ito ay maipublish. Ito po ang link, paki-click na lang po. First Thing First .

Panalangin sa Panahon ng Paglikha 2020

Image
Itinalaga ng Federation of Asian Bishop Conference ang pagdiriwang sa taong iyo ng Panahon ng Paglikha mula September 1 hanggang Oktubre 4 ng kasalukuyang taon. Kaakibat nito nais kong ibahagi sa inyo ang pagsasalin ko sa sariling wika ng Panalangin sa Panahon ng Paglika 2020. Lumikha ng Buhay,  Sa iyong salita, ang Daigdig ay naglabas ng mga halaman na nagbubunga ng mga binhi at mga puno ng bawat uri na namumunga. Ang mga ilog, bundok, mineral, dagat at kagubatan ay nagtaguyod ng buhay. Ang mga mata ng lahat ay tumingin sa Iyo upang masiyahan ang pangangailangan ng bawat nabubuhay na bagay. At sa buong panahon, ang Daigdig ay nagpapanatili ng buhay. Sa pamamagitan ng pag-ikot ng planeta ng mga araw at panahon, pagbago at paglago, binubuksan mo ang iyong kamay upang bigyan ang mga nilalang ng aming pagkain sa tamang oras. Sa iyong Karunungan, nagbigay ka ng isang Araw ng Pamamahinga; isang pinagpalang panahon upang magpahinga bilang pasasalamat sa lahat ng iyong ibinigay; isang p...

Nai-Update na Protocol sa mga kaso ng Covid -19 ng mga Pari, lingkod ng Simbahan at mga Maninimba

Image
Hayaan po ninyong ilahathala ang mga protokol ng Simbahan sa nasasakupan ng Diyosesis ng San Pablo ngayong panahon ng epidemya ng Covid-19. Ang Bawat Diyosesis po ay may kanya kanyang protokol sangayon sa bawat pagkilos ng Espiritu Santo sa katauhan ng obispo ng bawat partikular na Simbahan.  Ito po ay nasa orihinal na english, Ito po ay sarili kung pagtatagalog. Ilalagay ko rin po ang orihinal na english na protokol kaya po ang opisyal ay ang english na protokol. Isinasatagalog ko lamang po para sa mga katatid nating mas nais nilang basahin ito sa sariling wika. Anmg tagalog version po ay walamg opisyal na pahintulot, ito ay sariling aking pagsasalin. Noong Setyembre 14, 2020 nagpupulong ang Koponan sa Pamamahala ng Crisis upang suriin ang aming Mga Alituntunin sa aming pagtugon sa Covid Pandemic.  Mangyaring gabayan nang naaayon:  Nai-Update na Protocol sa mga kaso ng Covid -19 ng mga Pari, lingkod ng Simbahan at mga Maninimba 1) Kahit bago pa magkaroon ng posibleng...

ACT OF CONSECRATION TO THE IMMACULATE HEART OF MARY

Image
Ngayong panahon ng covid 19 pandemic ay maraming mga obispo at mga kapulungan ng mga obispo sa boung mundo na nag pa consecrate sa kalinislinisang puso ni Maria. Kung Hindi po ako nagkakamali ay ang CBCP ay nagpahayag din po noong Junio ng kasalukuyang taon (2020) sa pangunguna ng Catholic Bishop Conference of the Philippines - Episcopal Commission on Social Communication (CBCP-ECSC) and Catholic Bishop Conference of the Philippines - Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP-ECCE).  Kamakailan din po ay ang Catholic Bishop Conference of the Philippines- Episcopal Commission for Clergy (CBCP-ECler) as requested by the Worldwide Movement of Priest Consecrated to the Immaculate Heart of Mary ( MMP - Pilipinas. Bishop Buenaventura Famadico as the head of the Episcopal Commission on Clergyand also as Bishop of SAn Pablo of which I do belong decided to one more consecrate with the rest of the Catholic Bishops of the Philippines  and Priests simultaneously this September 8 ...

“Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8)

Image
Liham Pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Ukol sa Parusang Kamatayan “Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8) Ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo ayon kay San Juan ay nangungusap sa atin kung paanong ang isang Samaritana - na natagpuan kay Hesus, ang tubig na nagbibigay-buhay na matagal na niyang hinahangad- ay iniwan ang kanyang banga sa balon (Juan 4:28).Gaya ng Samaritana, ang mga Israelita na may katigasan ng puso sa Unang Pagbasa,na halos mamatay na sa matinding pagkauhaw sa disyerto,ay dinala patungo sa isang bato (Exodo 17:6). Marahil ay maaari nating isipin na ang batong ito ay si Hesus mismo na pinahirapan at pinagpakasakit sa Krus ngunit sa Kanya’y dumaloy ang tubig na nagbibigay buhay. Dahil kay Hesus, naging ganap sa Bayan ng Diyos ang pagtawid sa tigang na disyerto ng galit, kasalanan at kamataya...

Basic Ecclesial Communities: Agents of Communion, Participation and Mission

Image
Basic Ecclesial Communities:Agents of Communion, Participation and Mission Fr. Amado L. Picardal, CSsR, STD The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has declared 2017 as the Year of the Parish as Communion of Communities. The CBCP pastoral exhortation “On Era of New Evangelization” describes the focus of this year: “This is a year when we more deeply discern not only the structures of governance of our dioceses and parishes but also of the quality of faith life in the parish, the      fellowship, belongingness, and participation by its members. In a special way we shall probe into our efforts of making the parish a communion of communities,      a communion of Basic Ecclesial Communities and of covenanted faith-communities and ecclesial movements. We shall discern and implement measures on how      communities of consecrated life may be more integrated into the life and mission of the parish. In brief, our focus ...

Christmas 2016 Message of Bishop Buenaventura Famadico of the Diocese of San Pablo

Image
Ang mga sumusunod na pangungusap ang LIHAM PASTORAL ng Lub. Kgg. Mons. Buenaventura M. Famadico, D.D., Lingkod-Obispo ng San Pablo, para sa Araw ng Pasko (2016): Minamahal kong mga kapwa anak ng Diyos, Ipinagdiriwang natin ngayon ang pagsilang ng Diyos na naging tao. Ang Diyos ay naging tao upang tayong mga tao ay makibahagi sa kaluwalhatian, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan at buhay na walang hanggan ng Diyos. Yan ang dahilan kung bakit tayo’y nagsasaya. Pero hindi lahat ay masaya. May mga kababayan tayo ngayon na malungkot dahil nawala ang mahal sa buhay. Siya ay pinatay dahil sangkot sa droga. Hindi lamang sila, ayon sa survey ngayong Disyembre, walo sa kada sampung Pilipino ang natatakot na baka siya o kakilala niya ay mamatay sa extra judicial killing. Maging ang  loob ng bahay ay hindi na ligtas. Papasukin ito ng taong nagnanais pumatay.  Hindi ka na rin makatitiyak na ikaw ay ipagtatanggol ng may kapangyarihan sapagkat sila mismo ay kasama rin sa m...

"Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!" (Ezekiel 18:32)

Image
Sign the online Petition "Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!" (Ezekiel 18:32)   Minamahal na Bayan ng Diyos, Labis kaming nababahala, kaming inyong mga Obispo, sa maraming namamatay at pinapatay sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga. Totoong malaking problema ang droga. Dapat itong sugpuin at pagtagumpayan. Pero ang lunas ay wala sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng droga. Hindi lang kami nababahala sa mga pinatay. Nakakabahala ang kalagayan ng mga pamilya ng mga nasawi. Mas lalong pinahirapan ang buhay nila. Nakakabahala rin ang takot na naghahari sa maraming lugar ng mahihirap. Marami ang nasasawi na hindi naman droga ang dahilan. Hindi na napananagot ang mga pumapaslang. Mas lalong nakakabahala ang pagiging manhid ng marami sa ganitong katiwalian. Itinuturing na lang na ito ay normal, at ang masama pa ay iniisip ng marami na nararapat lang daw itong gawin. Nakikiisa kami sa layuning pagbabago na ...