Thursday, November 22, 2012

Obispo Pedro N. Bantigue, Sumalangit Nawa.

Ang kagalang-galang na Obispo Pedro N. Bantigue ay namayapa na sa piling ng Panginoon noong ika 2:40 pm ng Lunes, Nobyembre 20, 2012 sa edad na 92.

Ang Obispo Bantigue ay ang unang obispo ng Diyosesis ng San Pablo mula noong Abril 18, 1967 hanggang siya ay magretiro noong  Julyo 12, 1995.

Obispo Pedro N. Bantigue ay ipinanganak noong Enero 31, 1920 sa Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan. Anak nina Marcos Bantigue at Eusebia Natividad.

Ang kanyang labi ay nakhimlay ngayon sa kapilya ng Muling Pagkabuhay sa loob ng bakuran ng Katedral ng San Pablo hanggang Lunes, Nobyembre 26, 2012. Ang huling Misa bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay sa Nobyembre 26, sa ganap na 9:30 ng umaga.



Share

No comments:

Post a Comment