Posts

Showing posts with the label patay

Juan 5, 17-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 17-30 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parang...

Mateo 10: 7-15

Image
7  Ipahayag ang mensaheng ito sa in­yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha­rian ng Langit.’ 8  Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may­ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9  Hu­wag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10  Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandal­yas o tungkod, sapagkat may kara­patan ang mang­gagawa sa kanyang ikabubuhay. 11  Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. 12  Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13  Kung kara­pat-dapat ang sambahayang ito, sasa­kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. 14  At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipa...

Genesis 4

Image
Cain at Abel 4    •  1  Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina­nganak niya si Cain – sapagkat si­nabi niyang “ Nagkamit  ako ng isang lala­ki sa tulong ni Yawe.” 2  Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3  Pagkaraan ng ilang panahon, nag­handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa.  4  At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito,  5  pero hindi siya nasi­yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot.  6  At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot?  7  Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama­butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin­tuan ang kasalanan. Han­da siyang sugu­rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...

Obispo Pedro N. Bantigue, Sumalangit Nawa.

Image
pinangalingan ng larawan Ang kagalang-galang na Obispo Pedro N. Bantigue ay namayapa na sa piling ng Panginoon noong ika 2:40 pm ng Lunes, Nobyembre 20, 2012 sa edad na 92. Ang Obispo Bantigue ay ang unang obispo ng Diyosesis ng San Pablo mula noong Abril 18, 1967 hanggang siya ay magretiro noong  Julyo 12, 1995. Obispo Pedro N. Bantigue ay ipinanganak noong Enero 31, 1920 sa Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan. Anak nina Marcos Bantigue at Eusebia Natividad. Ang kanyang labi ay nakhimlay ngayon sa kapilya ng Muling Pagkabuhay sa loob ng bakuran ng Katedral ng San Pablo hanggang Lunes, Nobyembre 26, 2012. Ang huling Misa bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay sa Nobyembre 26, sa ganap na 9:30 ng umaga.

Misa sa Patay

Image
Misa sa Patay. katatapos lamang ng isang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kaluluwa Meniano Seda at sa kapanatagan ng kanyang mga mahal sa buhay. Si Meniano ay taga Sta. Cruz, Bay, Laguna na mamayapa na sa piling ng Panginoon dahil sa atake sa puso sa edad na 56. San Agustin, ipanalangin mo si Meniano San Nicholas de tolentino, ipanalangin mo si Meniano