Posts

Showing posts with the label obispo

Sulat para sa mga kongresista ng apat na distrito ng laguna

Image
(Babasahin sa lahat ng Misa sa mga parokya na nasasakupan ng Diyosesis ng San Pablo) An Open Letter to the Congressmen of the Four Districts of Laguna Mga minamahal Naming Kongresista ng Laguna, Ang pagpapasa ng House Bill 4244  -- o ng  Reproductive Health Bill  -- sa ikalawang pagbasa nito noong ika-13 ng Disyembre ay nakapanlulumo at nakalulungkot. Subalit hindi ito nakapanghihina sa determinasyon ng Simbahan na patuloy na ipaglaban ang buhay at karapatan ng tao. "Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman" (Juan 1:5). Sa usaping ito, isinaalang-alang sana ang katotohanan na " ang ikabubuti ng lahat ng lipunan ay hindi isang layunin sa kanyang sarili; ito ay may halaga lamang kung ito ay may kinalaman sa pagkakamit ng pinaka-huling layunin (ultimate ends) ng tao at ng pangkalahatang ikabubuti ng buong sangnilikha"  ( Compendium of the Social Doctrines of the Church , 170). Ang posibilidad ng pagbubuo at pagkakaroon ...

Obispo Pedro N. Bantigue, Sumalangit Nawa.

Image
pinangalingan ng larawan Ang kagalang-galang na Obispo Pedro N. Bantigue ay namayapa na sa piling ng Panginoon noong ika 2:40 pm ng Lunes, Nobyembre 20, 2012 sa edad na 92. Ang Obispo Bantigue ay ang unang obispo ng Diyosesis ng San Pablo mula noong Abril 18, 1967 hanggang siya ay magretiro noong  Julyo 12, 1995. Obispo Pedro N. Bantigue ay ipinanganak noong Enero 31, 1920 sa Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan. Anak nina Marcos Bantigue at Eusebia Natividad. Ang kanyang labi ay nakhimlay ngayon sa kapilya ng Muling Pagkabuhay sa loob ng bakuran ng Katedral ng San Pablo hanggang Lunes, Nobyembre 26, 2012. Ang huling Misa bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay sa Nobyembre 26, sa ganap na 9:30 ng umaga.

Katayuang pangkalusugan ng Obispo Francisco C. San Diego

Image
Noong Oktubre 30, 2012 ay pinagbigay alam ng kinaukulan sa pamamagitan ni Padre Marci Dijan, ang kanselor ng diyosesis ng San Pablo,, na ang kagalang-galang na dating obispo ng Diyosesis at obispo emeritus ng Pasig na si Francisco C. San Diego ay nasa Ospital ng San Pablo City Medical room 206. Sa pamamagitan ni doktor Sanchez, isa sa mga doktor na tumitinginsa kalagayan ng obispo na ang kondisyon ng obispo Francisco ay hindi mabuti noong ika -10 ng Nobyembre. Noong umaga ng nasabing araw ay naisagawa ang gastrocopy at natagpuan ang nagdurogong ulcer. Nagsagawa rin ng flushing ngunit hindi ang cautery at ang iba pang mga intervention dahil hindi pwede o walang kakayahan ang gamit na scope. Nagkaroon pa rin nang pagdurogo pagkatapos. Maaring dalhin sa San Pablo Community hospital para sa gastrocopy ang na kung saan mayroon ang kanilang scope sa nasabing sitwasyon. Ngayong umaga muli tayong binigyan ng bagong balita na walang pagdurugo pagkatapos ng 48 oras. Ang gamutan ay ...

Tugtugin ang Kampana

Image
Bilang bahagi ng palkikiisa natin sa pagdiriwang ng pagtatalaga kay Pedro Calungsod bilang ikalawang Santong Pilipino pinaabot ng kagalang-galang na Obispo na tugtugin ang lahat ng kampana sa darating na Linggo, Oktubre 21, 2012 sa loob ng tatlong minuto. Ito ang oras ng simula ng Misa sa Roma para sa pormal na pagtatalaga kay Pedro Calungsod  bilang Banal ng simbahang Katolika sa pamumuno ng Papa Benito XVI. Isang kagalakan na ang bagong Santo ay maging isang tanda ng bagong lakas upang harapin ang mga hamon ng pananampalataya sa makabagong panahon.

Ang Salin ng Ama Namin sa Wikang English na gagamitin sa Misa sa Bagong Inglis na Misal

Image
Ang Sulat ng presidente ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas na si Arsobispo Jose Palma ng Cebu ay sumulat ng isang liham na nagtatalaga sa saling Ingles ng Ama namin na gagamitin sa loob ng misa na ingles sa Pilipinas.  

Pangadi Bayu Tuglung King Internet

Image
Pangadi Bayu Tuglung King Internet O kipnuan king upaya at alan-anggang Dios, king anyu Mu lelang Mu kami at sinabi Mu kekami ing dulapan mi ya ing cayapan, ing catutuan, at ing caniwan, lalu’t lalu na ing tagle cabanalan na ning Bugtung Mung Anak, Y Jesucristong Guinu mi, itulut Mu, pagamu-amu mi Keka, king kapamilatan nang San Isidro, Obispo at Doctor, a sana king penandit ning pamaglayag mi king Internet iyungyung mi la ding mata at gamat mi bucud mung king bague munie ligaya Keka at pakibagayan mi la sana king mitmung lugud at kapakumbaban ding maldang caladwang kekaming akatalamitanan. Kapamilatan na ning Cristong Guinu mi.  Amen.  English Version FIlipino Version