Noong Oktubre 30, 2012 ay pinagbigay alam ng kinaukulan sa pamamagitan ni Padre Marci Dijan, ang kanselor ng diyosesis ng San Pablo,, na ang kagalang-galang na dating obispo ng Diyosesis at obispo emeritus ng Pasig na si Francisco C. San Diego ay nasa Ospital ng San Pablo City Medical room 206.
Sa pamamagitan ni doktor Sanchez, isa sa mga doktor na tumitinginsa kalagayan ng obispo na ang kondisyon ng obispo Francisco ay hindi mabuti noong ika -10 ng Nobyembre. Noong umaga ng nasabing araw ay naisagawa ang gastrocopy at natagpuan ang nagdurogong ulcer. Nagsagawa rin ng flushing ngunit hindi ang cautery at ang iba pang mga intervention dahil hindi pwede o walang kakayahan ang gamit na scope. Nagkaroon pa rin nang pagdurogo pagkatapos. Maaring dalhin sa San Pablo Community hospital para sa gastrocopy ang na kung saan mayroon ang kanilang scope sa nasabing sitwasyon.
Ngayong umaga muli tayong binigyan ng bagong balita na walang pagdurugo pagkatapos ng 48 oras. Ang gamutan ay tumututok sa weaning from the ventilator. Tumaas ang serum creatinine mula 2 hanggang 4mg/dl na nangangahulugan ng paghina ng bato sa kanyang gawain. maraming lumabas sa kanyang ihi.Maraming pagkakataon na gising ang obispo. Sa ngayon, wala pang dahilan upang ilipat ng ospital sa Maynila.
Comments
Post a Comment