Pitong buwan na po ang nakakalipas na kung saan tayo ay nakaquarantine gawa ng pandemya na dulot ng Covid -19. Ilang buwan na rin pong kakaunti ang nagsisimba kung mayroon man. Kakaunti narin ang nagpapamisa at nagbibigay ng koleksyon gawa ng iilan lang din ang nakakapunta sa simbahan,
Naalala ko ang isa kong kaibigan na nasa ibang bansa, partikular sa Estadps Unidos ng Amerika na hindi nila naging problema yun kahit na sila katulad nating naka pirmi sa bahay sapagkat sila ay may sistema ng sinusunod sa pagbibigay nila ng donasyon sa simbahan bawat pamayanan bawat buwan.
Bagamat hindi lahat ng aking parokyano ay di gumagamit ng internet sinubukan ko parin kung may magpapamisa sapamamagitan ng internet. Ang mga pamisa pong mailalagay po ninyo ay sa Parokya ng Nuestra Señora dela Natividad ng Pangil, Laguna, Philippines.
Sinubukan ko ding gamitin ang google docs sa paggamit ng Mass forms at nagpapasalamat din po ako sa mga kabataan sa pagtulong sa akin upang magamit ang makabagong teknolohiyang ito. Ang form na ito ay pwedeng matagpuan maliban dito sa syte na ito https://forms.gle/NjFabzoU1zPPszZJ7
Ang Form na ito ay isang pamamaraan upang ipadating ang inyong mga pamisa katulad ng pasasalamat sa kaarawan ninyo o ng inyong mahal sa buhay. Panalangin sa mga maysakit, ganun rin naman para sa karangalan ng mga banal, at sa personal na intensyon.
Dito po ay pwede kayong magpamisa:
opo active po ito!
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDelete