Open Letter for My Parishioners of St. Augustine Parish, Bay, Laguna

Mga Minamahal Kong Parokyano,

Maraming nagtatanong kung ano ang plano ko bilang bago ninyong Kura Paroko. Ito ay isang mabigat na katanungan.
Ang akin lamang alam sa ngayon ay ang isakatuparan ang aking tungkulin na pangtalagaan ang pananampalataya ninyo sa ating Panginoong Hesukristo. Ang Pagpapatuloy ng mga bagay na inyo nang nasimulan. Ang Pagpapalago nito ay nangangailangan ng masusing pag-aaral at pagdarasal.
Sa kasalukuyan, maliban bigyan ng kasagutan ang mga suliranin na may biglang pangangailangan, ako muna ay hayaan ninyong magmasid sa inyo ng inyong mga gawaing nakagawian.
Nais ko muna kayong kilalanin ng sa gayon ay mailapat ng maayos ang espiriwal na pangangailangan. Gusto kong malaman ang sitwasyon na ating kinalalagyan.
Isa sa sigurado kong kinakailangan ay ang inyong tulong at supporta. Tulungan ninyo ako. Tulungan ninyo ako na magampanan ko ang aking tungkulin sa mas epektibong pamamaraan. Tulungan ninyo akong malaman ang tunay na larawan ng bayan na ito at ang mga taong nakatira dito. Kasama dito ang mga kagandahan at kakulangan nito. Tulungan ninyo akong makilala ang mga taong makakatulong ko. Hindi ko mailalapat ang tamang lunas kong hindi ko alam ang tamang sitwasyon. Tulungan ninyo akong magdasal.
Napamahal sa inyo ang dati ninyong kura paroko na si Fr. Cesar at nalulungkot kayo sa kanyang paglisan. Huwag kayong mag-alala, hindi ako naparito upang agawin ang nasabing pagmamahal. Ngunit hayaan ninyong bigyan ninyo ako ng puwang sa inyong puso at kaisipan upang kayo’y akin ding mapaglingkuran.
Umaasa ako sa inyo na ako’y inyong pagbigyan. Tulungan ninyo ako.

Comments