Mag ingat sa mga Malls

Safe dito kasi nasa Mall tayo, maraming security guards at may cctv cameras, walang gagawa sa atin ng masama dito. Kalimitan ito ang ating naiisip at damdamin kapag tayo ay nasa loob ng Mall. Malaki ang tiwala natin dahil may mga inaakala tayo ng magbibigay ng proteksyon sa ating kapakanan. Ito ay isang maling pagaakala, kailangan pa rin nating mag ingat kahit sa loob ng Mall.

Naikwento sa akin ni Fr. Christian Abao ang isang karanasan ng kanyang mga magulang na sina Eduardo at Laila Abao na nakatira sa Pagsanjan, Laguna. Dahil sa bisperas ng Valentines' Day at araw ng linggo ninais ng mag asawa na pumunta sa SM mall sa San Pablo City para mamasyal at mamili ng grocery para sa isang linggong gamit.

Pagdating nila sa Mall dumiretso sa supermarket, kumuha ng cart, inilagay ni Mrs. ang kanyang bag sa Cart at nagsimulang tumingin sa mga bilihin. Sa isang banda, habang nakatingin siya sa isang bahagi ng mga goods ay may isang pamilya na dumaan sa kanyang tabi. Ilang sandali pagkatapos nito ay nakita niya na wala na ang kanyang bag sa cart. tinawag niya ang kanyang asawa at inereport nila ito sa management at huminga ng tulong na kung maari ay  makita ang tape ng cctv camera ngunit tumangi ang mga kinauukulan dahil wala daw ang nakakaalam nito.

Hanggang ngayon ay wala pang linaw ang nabanggit na kaso. Hindi lamang ang halagang limang libo na perang halaga na nawala kundi ang mga papeles tulad ng identification card, senior citizen ID at ilan pang mahalagang papeles.

Ang pagiingat ay kailangan palagi kahit na sa loob ng Mall. Hamon ko rin sa mga nammahala ng Mall na kaya namimili ang mga tao sa mga Mall ay gawa ng seguridad bilang isa sa mga kadahilanan na maibibigay nito sa mga mamimili. Pagibayuhin ang seguridad.



ShareThis

Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

Comments