Ilang beses na nakita natin ang patuloy na pag-aatake ng spam, mga malalasya at mararahas na larawan sa ating mga wall at feeds sa facebook. Ang ilan ay ayaw na magbukas ng facebook kapag may ibang tao at baka mapagkamalan na ito ay sa kanya.
Marami ang nagtatanong. Sino ang may gawa? anu ang mga dahilan? Ayon sa mga eksperto, may apat na theoria o maaring isa o dalawa sa mga ito o lahat nito.
1. Anonymous. Ang grupong anonymous ay napalabas mismo ng pahayag na kanilang titrahin ang mahiganteng facebook dahil sa isyu ng privacy.
Ito ang transcript ng nasabing pahayag.
"Attention citizens of the world,
We are anonymous.
We wish to get your attention, hoping you heed the warnings as follows:
Your medium of communication you all so dearly adore will be destroyed. If you are a willing hacktivist or a guy who just wants to protect the freedom of information then join the cause and kill Facebook for the sake of your own privacy.
Facebook has been selling information to government agencies and giving clandestine access to information security firms so that they can spy on people from all around the world. Some of these so-called white hat infosec firms are working for authoritarian governments, such as those of Egypt and Syria.
Everything you do on Facebook stays on Facebook regardless of your "privacy" settings, and deleting your account is impossible, even if you "delete" your account, all your personal info stays on Facebook and can be recovered at any time. Changing the privacy settings to make your Facebook account more "private" is also a delusion. Facebook knows more about you than your family.
You cannot hide from the reality in which you, the people of the internet, live in. Facebook is the opposite of the Antisec cause. You are not safe from them nor from any government. One day you will look back on this and realize what we have done here is right Think for a while and prepare for a day that will go down in history: November 5th 2011. We are anonymous, we are legion we do not forgive, we do not forget: expect us."
Ito naman ang kanilang pag-amin sa pag-atake sa facebook sa pamamagitan ng paglabas ng Fawke Virus.
2. Iba pang mga hacker. May mga dalubhasa rin sa pag-aaral tungkol sa internet at technolohiya ng de kuryenteng pagpapahayag na di ito kaya ng grupong Anonymous. At malaki ang posibilidad na ito ay gawa ng mga dating miembro ng nasabing kampanya na alam ang mga sekreto ng nasabing sistema.
3. Ang Facebook mismo. Ang pag-aatake sa nasabing social site ay hindi na bago kung titingnan natin, lalo na dun sa matagal ng aktibong gumagamit ng facebook. pareho rin ang pag-gamit ng pain. Ang pagkaklaiba lang ngayon ay mas marami at mabilis. Maari na ang pagdami at pagbilis ng atake ay gawa ng mga pagbabago rin sa mga feature ng facebook na kung saan hindi pa ito talagang nasusubukan na matatag sa mga ganitong uri ng virus.
4. Ang mga hacker ay di magtatagumpay kung wala ang mga tangang gumagamit ng facebook. ipagpaumanhin ninyo ang salitang ginamit. Sapagkat hindi naman lahat ay napupuntahan ng nasabing virus, tanging may mga mang-gagamit lamang na naapektuhan dahil nalinlang sila sa simpleng pain. ang pain na makakita ng malalaswang larawan at tsismis. Bakit ka magpapalinlang sa mga post na kailangan mo munang ishare ito sa iba bago mo mabuksan. Nasa tama ka bang pagiisip na ibabahagi mo ang isang bagay o informasyon na di mo pa nakikita?
Comments
Post a Comment