Kahapon ay nagliparan ang maraming marahas at malalaswang larawan na naka post sa mga wall ng facebook users. Di naman daw nila ito inilagay dito. Basta nalang daw nakita na ito ay lumalaganap na sa mga pagina ng kanilang mga kaibigan. Ito ay naranasa ng marami na gumagamit ng facebook bilang isa sa mga social networking site, sangayon sa natatala mayroon daw 800 million ang gumagamit nito.
Sang ayon sa mga dalubhasa ang pangyayaring ito ay gawa ng isang paglilinlang sa mga gumagamit ng nasabing social networking site na i-click ang isang bahagi ng post o mensahe upang lumabas ang mga nakatagong mga di magagandang mga larawan. Pinagsumikapan ng mga namamahala sa facebook na malinis ang kalagayang ito at ginagawa ang kanilang makakayanan na maibalik sa dati ang kalinisan. Totoo nga naman, wala na akong nakita pang malalaswang larawan ngayong 9:30 ng umaga kahit na balikan ko ang mga dating post. Pero kanina ng mga ika 7 ng umaga ay mayroon pa.
Kaya nga mga kapatid, paalala lang wag basta mag click ng kung anu-anu. Lalo na kung sasabihin na kailangan muna ninyong maishare ang nasabing video o picture bago ninyo makita ito. Pagdudahan na ninyo agad ito.
Blogs commenting Fr. Jessie's post
Comments
Post a Comment