Kailangan ba natin talaga ang K+12?

Maraming nagtatanong kung kailangan ba talaga natin ang pagbabago sa sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas.


Dito ito ay tinaguriang K + 12,  kinder plus twelve. Sa ibang bansa ito ay tinatawag K - 12, kinder through 12 o kinder to 12. Ito po ay pagdadagdag ng dalawang taon sa paaralang sekondarya. Dati hanggang ika apat na baitang sa mataas na paaralan ngayon ay anim na.

Tama ito ay magbibigay ng dagdag na problema sa kasalukuyang sitwasyon ng mga paaralan na kulang silid paaralan, ang iba ay nagkaklase sa baslketball court o sa ilalim ng puno. Kulang sa dami ng mga guro na magtuturo sa mga dagdag na dalawang taon, hindi pa kasama ang dagdag ng mga bata na nagsilipatan sa mga pampublikong paaralan mula sa mga pribadong paaralan sa hirap ng buhay.

Bagama't  sa tingin ng mamamayang Pilipino na mas madali ang lumang sistema na apat a taon sa sekondarya kaysa magdagdag ng kinder sa elementarya at  dalawang taon sa sekondarya ay magiging may dagdag na lamang ito sa pakikipag ugnayan ng mga mangagawa na may kadalubhasahan sa larangan ng kanilang trabaho sa pandaigdigang kalagayan.

Isa sa mga dahilan kaya hindi tinatanggap ang ating mga nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo dahil para sa kanila kulang ang ating panahon ng pag-aaral sang-ayon sa kanilang pamantayan. Kinakailangan nating tumapat sa pamantayang pandaigdigan upang maging kapantay sa hinihiling ng makabagong pagkakataon.

Share

Comments