Posts

Showing posts with the label mababang

Mateo 11:25-30

Image
•   25  Nagsalita si Jesus sa pagkaka­taong iyon: “Pinu­puri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapag­kat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. 26  Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. 27  Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang la­hat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wa­lang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinu­mang gustuhing pagbun­yagan ng Anak. 28  Lumapit sa akin, lahat kayong nahi­hirapan at may pinapasan, at pagi­gin­hawahin ko kayo. 29  Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at ma­babang-loob, at maka­ka­tagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30  Sapagkat mahu­say ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”

Kailangan ba natin talaga ang K+12?

Image
Maraming nagtatanong kung kailangan ba talaga natin ang pagbabago sa sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas. Dito ito ay tinaguriang K + 12,  kinder plus twelve. Sa ibang bansa ito ay tinatawag K - 12, kinder through 12 o kinder to 12. Ito po ay pagdadagdag ng dalawang taon sa paaralang sekondarya. Dati hanggang ika apat na baitang sa mataas na paaralan ngayon ay anim na. Tama ito ay magbibigay ng dagdag na problema sa kasalukuyang sitwasyon ng mga paaralan na kulang silid paaralan, ang iba ay nagkaklase sa baslketball court o sa ilalim ng puno. Kulang sa dami ng mga guro na magtuturo sa mga dagdag na dalawang taon, hindi pa kasama ang dagdag ng mga bata na nagsilipatan sa mga pampublikong paaralan mula sa mga pribadong paaralan sa hirap ng buhay. Bagama't  sa tingin ng mamamayang Pilipino na mas madali ang lumang sistema na apat a taon sa sekondarya kaysa magdagdag ng kinder sa elementarya at  dalawang taon sa sekondarya ay magiging may dagdag na lamang...