Kahapon nagpalabas ang Pambansang Departamento ng Kalusugan ng isang bulletin na balita na ang mga taxi na gumagamit ng LPGmaiksi ng liquified petroleum gas bilang panggatong sa kanilang minamanehong sasakyan ay nakakapagdulot ng sakit gawa ng nalalanghap na gas mula sa mga nasabing panggatong. Nagkaroon ito ng matinding reaksyon sa iba pang gumagamit ng nasabing panggatong at sa mga kompanyang nagbebenta nito. Dapat masusing pag-aralan ang anu mang mga sinasabing pag-aaral sa nabanggit na mga data.
Una, nakita ng mga kawani ng Departamento ng Kalusugan na may ilang mga sakit na nararamdaman ang mga nagmamaneho ng mga taxi na gumagamit ng lpg. Ito nga ba ay nagsimula lamang dahil sa paggamit ng LPG.
Pangalawa, nasuri ba maigi ng mga teknikal na kaalaman kung ang mga nabangit na LPG ay tama ang pagkalagay sa mga nasabing sasakyan.
Mahalaga ang mga tanong na ito sapagkat ang mga nasabing teknolohiya ay nagamit na sa ibang bansa at maaring magpalitan ng mga karanasan upang matutukan ang talagang problema dahil ito ay isa sa mga teknolohiya na naglalagay sa atin na maging independiente sa langis. Isang produkto na salat ang ating bansa ngunit ang LPG ay maaring magawan natin ng paraan na makapag likha tayo.
Isang pagninilay lamang na makapagisip pa tayo ng mas malalim na pagkaunawa sa mga bagay na naging bahagi ng ating karanasan
Comments
Post a Comment