Posts

Showing posts with the label pagiisip

Marcos 12, 28b-34

Image
Marcos 12, 28b-34 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Marcos 12, 28b-34 Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pina...

Auto LPG Taxi

Image
Kahapon nagpalabas ang Pambansang Departamento ng Kalusugan ng isang bulletin na balita na ang mga taxi na gumagamit ng LPGmaiksi ng liquified petroleum gas bilang panggatong sa kanilang minamanehong sasakyan ay nakakapagdulot ng sakit gawa  ng nalalanghap na gas mula sa mga nasabing panggatong. Nagkaroon ito ng matinding reaksyon sa iba pang gumagamit ng nasabing panggatong at sa mga kompanyang nagbebenta nito. Dapat masusing pag-aralan ang anu mang mga sinasabing pag-aaral sa nabanggit na mga data. Una, nakita ng mga kawani ng Departamento ng Kalusugan na may ilang mga sakit na nararamdaman ang mga                            nagmamaneho ng mga taxi na gumagamit ng lpg. Ito nga ba ay nagsimula lamang dahil sa paggamit ng LPG. Pangalawa, nasuri ba maigi ng mga teknikal na kaalaman kung ang mga nabangit na LPG ay tama ang pagkalagay sa mga nasabing sasakyan. Mahalaga ang mga tanong na ito sapagkat ...