Pagkatapos ng Misa sa umagang ito ay may mga ilang mga parokyano na nakikipagusap sa ilang mga katanungang kanilang nais na maunawaan sa pagkilos ng parokya at sa lalong pagkaunawa sa ating pananampalataya. Mayroon namang may mga panukala para sa ikaayos at ikakatatag ng ating pananampalataya.
Si sandy Guinto ay isa na rito. Nakipagugnayan siya dahil nais niyang makatulong sa pagpapagawa ng panukalang parokya Ng san Nicholas de Tolentino sa Brgy. Masaya na sinimulan na makita kung may magsusumigsi para sa nasabing matagal ng pangarap. Nais niya magpa-concert sa UPLB sa isang Banda na ang pangalan ay Parokya ni Edgar at ang malilikom na pera ay ibibigay niya para sa nabanggit na proyekto. humihingi siya ng pahintulot. Isang magandang pagkakataon ito na makapaglikom sa may madaling panahon.
Siya ay nagtratrabaho sa Department of Trade and Industry bilang isang abogado nito. Siya ay tubong Bay, laguna, Philippines at nais niyang tumulong para sa proyekto ng parokya. Isang napakagandang biyaya nito. Pagpalain mo panginoon ang ganitong tao na may ginintuang puso katulad ni Sandy Guinto.
Comments
Post a Comment