Posts

Showing posts with the label tulong

Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Image
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon, Panginoon, ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubo...

Panukala

Image
Pagkatapos ng Misa sa umagang ito ay may mga ilang mga parokyano na nakikipagusap sa ilang mga katanungang kanilang nais na maunawaan sa pagkilos ng parokya at sa lalong pagkaunawa sa ating pananampalataya. Mayroon namang may mga panukala para sa ikaayos at ikakatatag ng ating pananampalataya. Si sandy Guinto ay isa na rito. Nakipagugnayan siya dahil nais niyang makatulong sa pagpapagawa ng panukalang parokya Ng san Nicholas de Tolentino sa Brgy. Masaya na sinimulan na makita kung may magsusumigsi para sa nasabing matagal ng pangarap. Nais niya magpa-concert sa UPLB sa isang Banda na ang pangalan ay Parokya ni Edgar at ang malilikom na pera ay ibibigay niya para sa nabanggit na proyekto. humihingi siya ng pahintulot.  Isang magandang pagkakataon ito na makapaglikom sa may madaling panahon. Siya ay nagtratrabaho sa Department of Trade and Industry bilang isang abogado nito. Siya ay tubong Bay, laguna, Philippines at nais niyang tumulong para sa proyekto ng parokya. Isang...