Relief Operation Hanging Habagat

Ang hanging habagat noong Agosto 7 2012 ay nagdulot ng matinding pagbaha. hanggang ngayon, Nobyembre 14, 2013 ay mayroon pa ring mga pamilya na nasa evacuation center, may mga 250 pa ang natitira, kalimitan ay nasa tent city pa nang Marianville, Puypuy, Bay, Laguna, Philippines. Ang sumusunod na slideshow ay ang pagbibigay ng tulong ng Parokya ni San Agustin sa pamumuno ng inyong abang lingkod sa mga nasalanta sa Central Elementary School, Calo Elementary School at Maitim, Elementary School, pawang mga nasa Bay, laguna.Ito ay nangyari noong Agosto 14, 2012 na mayroon pang 1,450 na mga pamilyang lumikas.


operation habagat 08142012 - picture slideshow

Ooops hindi pa tapos, napindot ko agad ang publish e mayroon pang ilalagay. Ito naman po ang mga larawa ng pag-sasaayos ng mga pagkain noong Agosto 15 at ang tulong galing sa mga kapatid nating mananampalataya mula sa De La Salle University. 

Ito po ang sitwasyon sa mga nabanggitna maga lugar na mapapanood po ninyo sa mga video na ito, halo halo na kasamang mgamag-aaral.






Operation relief habagat 08152012 - how to make a free slideshow


Noong Agosto 16, 2012 ang parokya ay nagbigay ng tulong sa San Antonio, Bay, Laguna. Ito ay ginanap sa Galvez National High School.

Sa Tagumpay naman noong Agosto 17, 2012. Doon mismosa lugar ng Baha kami pumunta dahil sa may mga taong ayaw lumikas. Bagamat labag sa aking kalooban na doon mismo puntahan dahil sa pagiisip na baka kinokosente ko sila dahil sa katigasan nilang ayaw lumikas. Kaya lang nakakaawa naman na hindi sila tulungan. Ang dahilan nila na ayaw umalis sa kanilang lugar ay dahil ninanakaw daw ang kanilang pag-aari. Hindi na ako sumama sa kanila sa pagpunta roon, pero nagpasama ako ng kukuha ng larawan.





Agosto 18, 2012, dumating naman ang mga doktor na galing sa lungsod ng San Pablo.

Agosto 19, 2012, naigay din ang parokya ni San Agustine dito mismo sa patio ng parokya.









Ang American aid sapamamagitan ng Catholic Relief Service o CRS ay tumulong din para sa mahigit nadalawang daang pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nasalanta ng baha . Ang ibinigay nila ay mga banig, balde, lagayan ng tubig, sabon, toothbrush, toothpaste, tuwalya at kumot.






Share

Comments