Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nangangaral habang papunta siya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong pumasok at hindi makapapasok. Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo.” “Kaya sasabihin n’yo: ‘Kami ang kumanin at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’ Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita n’yo kina Abraham, Isaac, Jacob, at sa lahat ng propeta sa Kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At mikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang darating mula sa silangan, kanluran, timog, at hilaga. Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.”
Comments
Post a Comment