Posts

Showing posts with the label nangaral

Lukas 8:1-3

Image
Naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya. Source: Radio Veritas

Lukas 13:22-30

Image
Dumaan si Jesus sa mga lunsod at mga nayon, na nangangaral habang papunta siya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya: “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Jesus sa mga tao: “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo: marami ang gustong pumasok at hindi makapapasok. Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman siya sa inyo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo.” “Kaya sasabihin n’yo: ‘Kami ang kumanin at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ Pero sasagutin niya kayo: ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo. Lumayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama.’ Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita n’yo kina Abraham, Isaac, Jacob, at sa lahat ng propeta sa Kaharian ng Diyos, at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At mikisalo naman sa Kaharian ng Diyos ang darating mula sa silangan, kanlura...

Miyerkules - Enero 11, 2012, Unang Linggo ng Taon

Image
Miyerkules - Enero 11, 2012 Unang Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 3:1-20 Ang Pangitain ni Samuel 1 Sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod kay Yahweh. Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya. 2 Malabo na noon ang mata ni Eli. Minsan, natutulog siya sa kanyang silid. 3 Si Samuel ay natutulog naman sa santuwaryo, kung saan naroroon din ang Kaban ng Tipan. Bago magmadaling-araw at may sindi pa ang ilawan sa santuwaryo, 4 siya'y tinawag ni Yahweh, "Samuel, Samuel!" "Narito po ako," sagot niya. 5 Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, "Bakit po?" Sinabi ni Eli, "Hindi kita tinatawag. Matulog ka na uli." Nagbalik nga siya sa kanyang higaan. 6 Subalit tinawag siyang muli ni Yahweh, "Samuel!" Bumangon siya, lumapit muli kay Eli at nagtanong, "Tinatawag po ba ninyo ako?" Sinabi ni Eli, "Hindi ki...