Facebook Rumors?

Maraming pagkakataon na nababalita na ang isang pinakamalaking social site na kung tawagin ay Facebook ay mag sasara na o may bayad na raw pagkatapos ng March 12, 2012 mula sa halagang $3.99 hanggang $9.99. Hindi natin mapipigilang ang paglabas ng ganitong uri ng balita na walang katiyakan. Ako ng mismo ay tiningnan ko ang isang site na maituturing na isang balita sa internet na nagbabalita at mula raw ito mismo sa CEO and nagtatag ng facebook. 


Nakita ko rin sa mas mananaliksik na mga mata na ang nasabing site ay hindi mapagkakatiwalaan at maraming mga batikan sa larangan ng mpagaanalisa na ito ay kalokohan at walang katotohanan.

Bakit nga naman di maalis sa tao na may nasisiyahan sila kapag may naloloko sila. Maari sigurong marami na silang pera kaya wala na silang magawa kundi ang magpalaganap ng masama at di makatotohanang balita. 

Marami naman pwedeng gawin na higit na makabuluhan at kapakipakinabang, panalangin ko yun na lang ang gawin.

Ang Facebook ay nagpalabas din kaagad ng pagtugon sa nasabing balita na hindi totoo ang balita sangayon sa isa sa kanilang resident blogger. Ito ang kanilang pahayag. Ang opisyal na pahayag ay pwede lamang matanggap ng mga gumagamit ng social site na ito kung mangaling sa isa man sa apat na ito; a. Home page Announcement, b. Product Stories and What's New Page, c. The Blog at d. Through Pages and Updates.

Share

Comments