Kung mayroon ka nang existing na website o blogsite pwede mong ilagay ito sa loob ng facebook. Ito ay magiging isang page ng iyong facebook acccount. Ito ay sa pamamagitan ng isang aplikasyon na kung tawagin ay mywebees. Ito ay isang aplikasyon na automatik na mailalagay sa loob ng facebook ang iyong blog o website. ito ay libre maliban na lamang kung may ilang features na pwede mo pang ilagay.
Paano gawin ito. Pumunta ka sa aplikasyon ng facebook at hanapin mo sa search box ang mywebees at ikaw ay dadalhin sa site na ito https://apps.facebook.com/mywebees/. I-click mo ang add upang mailagay sa loob ng facebook ang web/blog site na nais mo. Piliin mo ang pangalan na nais mong maging facebook page. Kung mayroon ka nang facebook page, mamili ka kung alin doon ang gagamitin mo. Kung wala ka pang facebook page gumawa ka sa pamamagitan ng paghanap ng button na nagsasabing create a page.Pagkatapos tugunan ang tanong na set a tab name, ito ang pangalan na nais mong ilagay upang makita mo sa page mo kung saan ang web/blog site mo. Pagkatapos ay ilagay mo ang web address ng iyong blog/web site. Viola! Here is the final outcome.
Comments
Post a Comment