Unladsanayan. Yan ang tawag ni Bro. Charlie Grey Domingo sa enterpreunership. Ilan lamang na pagbabalangkas sa gawain ng simbahan na kailangang palakasin para sa paglilinkod ng Simbahan/Iglesia sa mga mahihirap upang higit nilang maunawaan na ang ating Diyos ay tunay na nagliligtas sa kanyang mamayan dahil tinutulungan nitong umagat sa kanilang pamumuhay anu man ang pagkalugmok nito sa kahirapan.
Kaya isa ring pamamaraan ng Iglesia ay ang pagbabalangkas ng programa na hindi lamang tumutugun sa katatayuan ng mga mananampalataya sa larangan ng espiritwalidad ngunit ang kabuuan na kabuoan ng pagkatao at kasama nito ang kanyang pangangailangang materyal dahil maliwanag na hindi lamang ang kaluluwa ng tao ang iniligtas ng ating Panginoong hesukrito kundi ang bou nitong pagkatao kasama ang kanyang katawan at mga pangangailangan nito.
Bahagi nito ay isa sa mga programa na inilunsad ng parokya ni San Agustin, Bay, Laguna ay ang Microfinance na naglalayon na turuan ang mga mananampalataya na mag impok at tulungan ang mga may mga pangsariling maliit na hanapbuhay na lalong lumago ang kanilang hanap buhay sa isang pamamaraan na hindi sila mababaon sa 5-6. Kahapon ay may 24 na naaprobahan na makakasama sa boung kabouan na napautang na mula noong una.
Comments
Post a Comment