Posts

Showing posts with the label mahihirap

Panalangin kay San Martin de Porres *

Image
San Martin de Porres, ikaw na palaging  nakikidalamhati  sa mga mahihirap at mga naghihirap, ay pinagkakatiwalaan namin sa iyong kabutihan at pagmamahal. Kami ay lumalapit sa iyo na tulungan mo kaming idulog sa makapangyarihang Diyos  ang aming kahilingan. Ang biyayang natanggap mo mula sa Diyos ay humihikayat sa amin ngayon upang hilingin ang iyong pamamagitan. Buong kababaang-loob kaming nagsusumamo upang kami rin, katulad mo ay palaging maging kaibigan ni Kristo na binuhos  ang buhay sa pagmamahal sa  Diyos at sa kapwa habang nabubuhay dito sa lupa. Ngayong nasa presenysa ka na ng Diyos Ibulong mo sa Bathalang mangagamot na ipagkaloob sa amin ang kalusugan ng kaluluwa at katawan. Amen. * Personally composed by your humble servant, still asking for Ecclesiastical approval as of this date.

Lukas 14:1,7-14

Image
Isang Araw ng pahinga, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo para kumain, at minamanmanan naman nila siya. May talinhaga siyang sinabi nang mapuna niyang pinipili ng mga inimbita ang mga unang puwesto: “Kung anyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang lumagay sa unang puwesto. Baka may ikinumbidang mas importante kaysa iyo, at darating ang kumumbida sa inyong dalawa para sabihing ‘ibigay mo sa kanya ang puwestong ito.’ Kaya mapapahiya ka’t pupunta sa huling puwesto. “Sa halip, kung anyayahan ka, sa huling puwesto ka pumunta sapagkat pagdating ng kumumbida sa iyo, sasabihin niya sa iyo: ‘Kaibigan, lumapit ka pa.’ Kaya mapararangalan ka sa harap ng lahat ng inanyayahan. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas ang nagpapakababa.” Sinabi ni Jesus sa puno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay mo ang kumbidahin, baka kumbidahin ka ri...

Unladsanayan

Image
Unladsanayan. Yan ang tawag ni Bro. Charlie Grey Domingo sa enterpreunership. Ilan lamang na pagbabalangkas sa gawain ng simbahan na kailangang palakasin para sa  paglilinkod ng Simbahan/Iglesia sa mga mahihirap upang higit nilang maunawaan na ang ating Diyos ay tunay na nagliligtas sa kanyang mamayan dahil tinutulungan nitong umagat sa kanilang pamumuhay anu man ang pagkalugmok nito sa kahirapan. Kaya isa ring pamamaraan ng Iglesia ay ang pagbabalangkas ng programa na hindi lamang tumutugun sa katatayuan ng mga mananampalataya sa larangan ng espiritwalidad ngunit ang kabuuan na kabuoan ng pagkatao at kasama nito ang kanyang pangangailangang materyal dahil maliwanag na hindi lamang ang kaluluwa ng tao ang iniligtas ng ating Panginoong hesukrito kundi ang bou nitong pagkatao kasama ang kanyang katawan at mga pangangailangan nito. Bahagi nito ay isa sa mga programa na inilunsad ng parokya ni San Agustin, Bay, Laguna ay ang Microfinance na naglalayon na turuan ang mga ...