Mobile ready na ito!


Sabi ni Christopher Kloetzli, isang kaibigang banyaga na naninirahan dito sa Pilipinas na di malayo na ang kalimitang gagamit na  ng internet ay hindi na yong nasa desktop kundi yong mga gumagamit na ng telefono. Kung tawagin ngayon ay mobile internet users, maging ito man ay Apple, Android, Windows at Blackberry.

Kaya di na ako nag aksaya ng panahon at pinagaralan ko agad kung paano gawin ito. Bagamat ang blogger ay may option na mag awtomatik na maglalagay ng mobile application ngunit hindi nito inaayos na maging higit na kapakapakinabang sa mga gumagamit ng smartphones dahil ang mga smarthphones ay may maliit na memory kaysa sa mga desktop o laptop o kahit na sa notebook kumpyuter. Ito ang platform na hinahanap ngayon ng kasalukuyang henerasyon. Mula ngayon ang sayt na ito ay madaling makikita sa anu mang cellphone na may kapasidad na gumamit ng internet. kapag naitype na ang http://frjessie.blogspot.com o makita man ito sa mga search engine kapag nahanap ang pamagat na Priest ay ituturo na sila sa http://frjessie.blogspot.com/?m=1 na ibig sabihin ay ito ay mobile ready.

Kaya nga kung may gustong magpagawa sa inyo ng websayt o blogsayt sa normal man o may kaakibat na mobile na kapasidad wag mag atubiling kontakin ako sa pamamagitan ng email address na ito jsomosierra[at]yahoo.com o sa cellphone na ito 09295085360.

Share

Comments