Awit ng Misyon, ito po ay isa sa mga kanta na maaring gamitin bilang pagdiriwang ng limang daang taon mg ating pagiging kristiyano dito po sa Pilipinas. Sa loob ng limang daang taon ng ating pananampalataya ay binalangkas natin ang mga hamon ng panahon upang maipahayag ang ating pagkilala kay Kristo Hesus na ating Panginoon at tagapagligtas, Sa loob ng maraming panahon at maraming buhay ay napakaraming kwento rin ang ating maibabahagi. Sa gitna ng pandemya na dulot ng Covid 19 virus ay ninais ng mga namumuno sa simbahan na ipagpaliban sa taon na ito ang pagdiriwang at ilipat sa susunod na taon 2022.
ninais ko rin na maging bahagi ng ating paghahanda, partikular ng ating parokya, Nuestra SeƱora dela Natividad na pag-aralan, isaisip at kantahin ang e choreo kung magagawa ang awit na ito., Awit ng Misyon.
Ang musikang ito ay ikinatha ni Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo, isinulat ni Reberendo Monsignor Rolando Coronel at Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo at ang nagayos ng mga nota ay si Jingle Buena.
Ang awit na ito ay makakabagbag damdamin na makapukaw ng kalooban ng mga mananampalatayang Kristiyanong Katoliko at makapagbigay sigla sa pagkilos upang lalong mapatatag ang pananampalataya at mga pagkilos bilang maliwanag na tanda ng Kaharian ng Diyos,.
Awit Ng Misyon SATB by Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr. on Scribd
Comments
Post a Comment