Posts

Showing posts with the label kristiyano

Awit ng Misyon

Image
Awit ng Misyon, ito po ay isa sa mga kanta na maaring gamitin bilang pagdiriwang ng limang daang taon mg ating pagiging kristiyano dito po sa Pilipinas. Sa loob ng limang daang taon ng ating pananampalataya ay binalangkas natin ang mga hamon ng panahon upang maipahayag ang ating pagkilala kay Kristo Hesus na ating Panginoon at tagapagligtas, Sa loob ng maraming panahon at maraming buhay ay napakaraming kwento rin ang ating maibabahagi. Sa gitna ng pandemya na dulot ng Covid 19 virus ay ninais ng mga namumuno sa simbahan na ipagpaliban sa taon na ito ang pagdiriwang at ilipat sa susunod na taon 2022. ninais ko rin na maging bahagi ng ating paghahanda, partikular ng ating parokya, Nuestra SeƱora dela Natividad na pag-aralan, isaisip at kantahin ang e choreo kung magagawa ang awit na ito., Awit ng Misyon. Ang musikang ito ay ikinatha ni Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo, isinulat ni Reberendo Monsignor Rolando Coronel at Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo at ang nagayos ng mga nota...

Sabado sa Ikadalawangpung Dalawang Linggo sa Karaniwan Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 6b-15 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba. Ano ang kahigtan ninyo sa iba? Hindi ba lahat ng nasa inyo’y kaloob ng Diyos? Kung gayun, bakit ninyo ipinagyayabang na waring hindi kaloob sa inyo? Kayo pala’y nasisiyahan na! Mayayaman na kayo! Kayo pala’y mga hari na – hindi na ninyo kami isinama! Sana nga’y naging hari kayo upang kami nama’y maging hari, kasama ninyo. Sapagkat sa wari ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Diyos na maging pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga taong nahatulan ng kamatayan, isang panoorin ng sanlibutan – ng mga anghel at ng mga tao. Kami’y mga hangal alang-alang kay Kristo; kayo’y marurunong tungkol kay Kristo! Mahihina kami; kayo’y malalakas! Hinahamak kami; kayo’y pinararangalan! Hanggang sa...

Panalangin sa Taon ng Parokya

Image
Diyos na bukal ng kabutihan, salamat sa handog mong pagpapanibago, sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano, bilang lugar at pagkakataon upang maisabuhay ng makahulugan ang aming pananampalataya. Nagsusumamo kami na pagkalooban ng higit na alab ng kalooban sa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyano na magbibigay ng bagong sigla sa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya. Kami nawa’y maging tunay na asin na magpapanatili ng pananampalataya, ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon, at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok. Ito ay aming samo’t dalangin sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Blogs ng mga Katolikong Pilipino

Image
Isang pagkakataon na maipon ang lahat ng mga bloggers na Katoliko. Kaya nga ang pahina na ito ay isa sa mga lugar na kung saan ay matatagpuan ang lahat ng mga gawa ng mga Pilipinong Katoliko na Naglalaman tungkol sa ating pananampalataya lalong lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang Taon ng Pananampalataya mula ngayong Oktubre 11, 2012 hanggang November 24, 2013. Isang malaking pagkilos din ang paglalagay ng sariling sayt para sa network na ito ng mga Pilipinong Katolikong grupo. Bagamat may network na tungkol sa mga katolikong blogger pero nais na mabigyan mismo ang isang grupo ng mga Pilipinong aktibo sa internet na handang ipagtangol o magpahayag tungkol sa pananampalatayang katoliko. Matagal na tayong nanahimik sa walang habas na pag-aatake ng ibang pananampalataya at sekta. Kinakailangan ding marinig nila ang tinig ng Katolikong Pilipino dahil sa sinabi ni Kristo Hesus sa Mateo 28:18. 'Turuan ninyo sila ng dapat nilang malaman". Matatagpuan ang network na ito s...