Posts

Showing posts with the label awit

Awit ng Misyon

Image
Awit ng Misyon, ito po ay isa sa mga kanta na maaring gamitin bilang pagdiriwang ng limang daang taon mg ating pagiging kristiyano dito po sa Pilipinas. Sa loob ng limang daang taon ng ating pananampalataya ay binalangkas natin ang mga hamon ng panahon upang maipahayag ang ating pagkilala kay Kristo Hesus na ating Panginoon at tagapagligtas, Sa loob ng maraming panahon at maraming buhay ay napakaraming kwento rin ang ating maibabahagi. Sa gitna ng pandemya na dulot ng Covid 19 virus ay ninais ng mga namumuno sa simbahan na ipagpaliban sa taon na ito ang pagdiriwang at ilipat sa susunod na taon 2022. ninais ko rin na maging bahagi ng ating paghahanda, partikular ng ating parokya, Nuestra SeƱora dela Natividad na pag-aralan, isaisip at kantahin ang e choreo kung magagawa ang awit na ito., Awit ng Misyon. Ang musikang ito ay ikinatha ni Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo, isinulat ni Reberendo Monsignor Rolando Coronel at Reberendo Padre Carlo Magno Marcelo at ang nagayos ng mga nota...

Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Image
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon! Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Image
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29 Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin, yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan na iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo’y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Ako’y tatawaging ama niya’y Diyos, Tapagsanggalang niya’y Manunubos. Ang aking pangako sa kanya’y iiral At mananatili sa kanya ang tipan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas.

Awit 51:3-4, 5-6, 12-13, 17

Image
Poón, iyóng kaawaĆ”n kamĆ­ng sa ‘yó’y nagsisuwĆ”y! Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,  sang-ayon sa iyong kagandahang- loob.  Mga kasalanan ko’y iyong pawiin, ayon din sa iyong pagibig sa akin!  Linisin mo sana ang aking karumhan at ipatawad mo yaring kasalanan!  Ang pagsalansang ko ay kinikilala,  laging nasa isip ko at alaala.  Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,  at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.  Isang pusong tapat sa aki’y likhain;  bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.  Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;  ang Espiritu mo ang papaghariin.  Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,  ibalik at ako ay gawin mong tapat.  Turuan mo akong makapagsalita,  at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Awit 33:4-5, 18-19, 20, 22

Image
Salmong Tugunan: Poon, pag-asa ka namin, pagibig mo’y aming hiling! Panginoo’y tapat sa kaniyĆ”ng salita, at maaasahan ang kaniyĆ”ng ginawa. Minamahal niyĆ” ang gawang matapat, ang pag-ibig niyĆ” sa mundo’y laganap. Ang may takót sa Diyós, at nagtitiwala sa kaniyĆ”ng pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi babayaang silĆ” ay mamatay, kahit mag-taggutom silĆ”’y binubuhay. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoón; siyĆ” ang sangggalang natin at katulong. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pagasa’y sa’yo nasasalig!

Amos 8:4-6, 9-12

Image
4   Makinig kayong lahat na nang-aapi sa duk­ha at naghahangad na alisin sa lupain ang mga aba. 5  Sabi ninyo: “Ka­ilan ma­tatapos ang Bagong Buwan o ang Araw ng Pahinga nang ma­buk­san namin ang tindahan ng trigo? Bawasan natin ang takal at itaas ang presyo; gamitin ang ma­dayang timbangan at 6   ipagbili kahit na ang ipa, ipagpapalit natin sa pera ang dukha at sa isang paris na sandalyas ang nagdarahop.” 9   Sabi ni Yawe: “Sa araw na iyon, pa­lu­lubugin ko ang araw sa katangha­lian at papagdidilimin ang lupa sa araw na ma­aliwalas. 10  Gagawin kong pagluluksa ang in­yong mga pagpipiyesta, at pagtangis ang inyong mga awit. Magluluksa ang lahat, magdadamit ng sako at mag-aahit ng ulo, na parang nawalan ng iisang anak na la­laki at magiging mapait ang katapusan. 11  Sabi ng Panginoong Yawe: “Darating ang mga araw na magpapadala ako ng pagkagutom sa lupain, hindi pagkauhaw sa tinapay o sa tubig kundi pagkauhaw na marinig ang salita ni Yawe. 1...

Lukas 7:31-35

Image
Nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrereklamo ang ilan sa kanila” ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.’ Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.” Source: Radio Veritas

Reyna ng Langit

Image
Reyna ng Langit magsaya! Alleluia! Anak mong dinala sa tuwa! Alleluia! Ay nabuhay nang magmuli! Alleluia! Ipanalangin mo kami sa Ama! Alleluia!

Mga Awit Sa Daan Ng Krus

Image
Awit sa Unang Estasyon ng Krus Awit sa Ikalawang Estasyon ng Krus Awit sa Ikatlong Estasyon ng Krus Awit sa Ikaapat na Estasyon ng Krus Awit sa Ikalimang Estasyon ng Krus Awit sa Ikaanim na Estasyon ng Krus Awit sa Ikapitong Estasyon ng Krus Awit sa Ikawalong Estasyon ng Krus Awit sa Ikasiyam na Estasyon ng Krus Awit sa Ikasampu na Estasyon Awit sa Ikalabingisang Estasyon Awit sa Ikalabingdalawang Estasyon Awit sa Ikalabingtatlong Estasyon Awit sa Ikalabingapat na Estasyon