Panalangin Ng Paghahandog Ng Sangkatauhan Kay Kristong Hari (Iesu dulcissime, Redemptor

(Ang kabahaging indulhensya ay maaring matanggap ng mga mananampalatay sa taimtim na panalangin ng Paghahamdog ng Sangkatauhan kay Kristong Hari. Ang boung indulhensya o indulhensya plenarya ay maaring matanggap kapag ito ay mataimtim na dinasal ng madla.)

Katamis-tamisang Hesus, Mananakop ng sangkatauhan, tingnan mo kaming nagpapatirapa ng buong kapakumbabaan sa harap ngyong altar: Kami ay iyo at ibig naming maging iyo: upang mabuhay na nakikiisang mahigpit sa iyo. Kaming lahat ay nag-aalay ng sarili sa araw na ito sa iyong kamahal-mahalang puso.

Sa Katunayan hindi ka nakikilala ng Marami at pagwawalang halaga ng iyong mga utos ay itinakwil ka ng marami. O maawaing Hesus, mahabag ka sa kanila at akitin ,mo silang lahat sa iyong mahal na puso.

O panginoon, maghari ka, hindi lang sa mga tapat mong mga anak na kailan man ay hindi lumayo sa iyo, kundi naman sa mga alibung humiwalay sa iyo; gawin mo na madali silang bumalik sa bahay ng Ama, upang huwag mamatay sa gutom at kahirapan. Maging Hari ka sa kanila nahilan sa udyok ng kamalian at ng espiri ng pagsasamaan ng loob, ay namumuhay ng hiwalay iyo; ibalik mo sila sa dalampasigan ng katotohanan at pagkakaisa sa pananampalataya upang sa madaling panahon ay maging isa lamang ang kawan sa pamamahala ng iisang pastol.

Panginoon, pagkalooban mo ang iyong simbahan ng katatagan at kalayaang matibay,awad mo sa lahat ng bansa ang katahimikan sa kayusan; gawin mong sa bawat panig at sulok ng daigdig isang tinig ang marinig: Purihin ang Pusong Mahal ni Hesus, pinagmulan ng ati kaligtasan, sa kanya ang papuri at karangalan AMEN

English Version


Share


Blogs commenting Fr. Jessie's post


Technorati icon

Comments