Posts

Showing posts with the label mahal

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Image
UNANG PAGBASA Mikas 5, 1-4a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Ito ang sinasabi ng Panginoon: Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin. Ang Salita ng Diyos. o kaya: Roma 8, 28-30 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid: Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagk...

Juan 11, 3-7. 17. 20-27. 33b-45

Image
Juan 11, 3-7. 17. 20-27. 33b-45 Noong panahong iyon: Nagpasabi kay Hesus ang mga kapatid na babae ni Lazaro, “Panginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakit.” Ngunit nang marinig ito ni Hesus ay sinabi niya, “Hindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyos.” Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro. Gayunma’y pinaraan pa niya ang dalawang araw matapos mabalitaang may sakit si Lazaro bago sinabi sa kanyang mga alagad, “Magbalik tayo sa Judea.” Pagdating ni Hesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayo’y ibibigay sa iyon ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumago...

Mateo 4, 4b

Image
Mateo 4, 4b Ang tao ay nabubuhay hindi lamang sa tinapay kundi sa Salitang mahal mula sa bibig na banal ng Ama nating Maykapal.

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal, “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Mateo 4, 17

Image
Mateo 4, 17 Sinabi ng Poong mahal: “Kasalanan ay talikdan, pagsuway ay pagsisihan; maghahari nang lubusan ang Poong D’yos na Maykapal.”

Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Image
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Sa paglabas namin sa bansang mabagsik, ganito ang wika na aking narinig: “Mabigat mong dalay aking iniibis, ipinababa ko ang pasaning basket. Iniligtas kita sa gitna ng hirap, iniligtas kita nang ika’y tumawag. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Tinugon din kita sa gitna ng kidlat, at sinubok kita sa Batis Meriba. Kapag nangungusap, ako’y inyong dinggin, sana’y makinig ka, O bansang Israel. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang diyus-diyusa’y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa’y di dapat luhuran. Ako’y Panginoon, ako ang Diyos mo, Ako ang tumubos sa ‘yo sa Egipto. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang lalong mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo’y ipapakain ko; at ang gusto nin...

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal: “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Ezekiel 18, 31

Image
Ezekiel 18, 31 Sinabi ng Poong mahal: “Kasamaan ay layuan, kasalana’y pagsisihan; kayo ay magbagong-buhay, magbalik-loob na tunay.”

Mahal Na Birhen ng Panubos

Image
O Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Maluwalhating Ina ng iyong Anak ay ikinalugod mo na magdulot ng ikakatubos ng mga mananampalataya bilang mga bagong mga anak sa iyong simbahan mula sa mga di kumikilala sa tunay na Diyos. Ipagkaloob mo at nagmamakaamo kami sa iyo na nagmamahal at nagpaparangal sa kanya bilang mabuting halimbawa sa dakilang gawain sa pamamagitan ng kanyang merito at paggabay ay ipagsangalang kami mula sa lahat ng   kasalanan at sa pagkaalipin  ng kasamaan. Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.  Translated from the English version by Rev. Fr. Jessie G. Somosierra, Jr. English Version (Our Lady of Ransom) ShareThis Blogs commenting Fr. Jessie's post