Posts

Showing posts with the label sangkatauhan

Panalangin sa Araw ng Pasasalamat

Image
Panginoon, nagpapasalamat kami sa Iyo. sa kagandahang loob ng sangkatauhan at sa espiritu ng katarungan nanamayani sa bansang ito. Nagpapasalamat ako sa Iyo sa kagandahan at kaganapan ng lupain at mga hamon ng mga lungsod. Nagpapasalamat kami sa Iyo sa trabaho at pahinga sa isat'isa at sa aming mga tahanan Nagpapasalamat kami sa Iyo, Panginoon: Tangapin mo ang aming Pasasalamat sa araw na ito R: Amen. _______ Isinalin mula sa wikang Ingles ni Rev. Fr. Jessie G. Somosierra English version

Panalangin Ng Paghahandog Ng Sangkatauhan Kay Kristong Hari (Iesu dulcissime, Redemptor

Image
(Ang kabahaging indulhensya ay maaring matanggap ng mga mananampalatay sa taimtim na panalangin ng Paghahamdog ng Sangkatauhan kay Kristong Hari. Ang boung indulhensya o indulhensya plenarya ay maaring matanggap kapag ito ay mataimtim na dinasal ng madla.) Katamis-tamisang Hesus, Mananakop ng sangkatauhan, tingnan mo kaming nagpapatirapa ng buong kapakumbabaan sa harap ngyong altar: Kami ay iyo at ibig naming maging iyo: upang mabuhay na nakikiisang mahigpit sa iyo. Kaming lahat ay nag-aalay ng sarili sa araw na ito sa iyong kamahal-mahalang puso. Sa Katunayan hindi ka nakikilala ng Marami at pagwawalang halaga ng iyong mga utos ay itinakwil ka ng marami. O maawaing Hesus, mahabag ka sa kanila at akitin ,mo silang lahat sa iyong mahal na puso. O panginoon, maghari ka, hindi lang sa mga tapat mong mga anak na kailan man ay hindi lumayo sa iyo, kundi naman sa mga alibung humiwalay sa iyo; gawin mo na madali silang bumalik sa bahay ng Ama, upang huwag mamatay sa gutom at kahirapan. ...