No to RH Bill, ito ang sigaw ng 9 na mga batang mambabatas sa nababang kapulungan noong September 26, 2011, bilang pagtutol sa RH bill 4244 or the Reprocustive Health Bill.
Ang anim na congressmen at 3 congresswomen na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa sina Dakila Carlo Cua (Quirino, lone district), Allan Velasco (Marinduque, lone district), Rachel Marguerite del Mar (Cebu, 1st district), Fatima Aliah Dimaporo (Lanao del Norte, 2nd district), Lucy Torres-Gomez (Leyte, 4th district), Karlo Alexei Nograles (Davao City, 1st district), Gabriel Quisumbing (Cebu, 6th district), and Irwin Tieng and Mariano Michael Velarde, Jr., both of Buhay Partylist.
Sang ayon sa kanila ang 3 bilyong piso na gagamitin nito bilang pondo na gugugulin taon-taon para sa nasabing batas kapag naipasa ay isang napakalaging pondo na gagastusin na magmumula sa mga nagbabayad ng buwis na maaring gastusin sa mas makahulugan kung ito ay ilalagay upang matugunan ang pangangailangan sa edukasyon, trabaho, kalusugan na kung saan ay mas maliwanag na siyang dahilan ng kahirapan.
Kung ang P3 billion na gugulin kung mailalagay ito sa pangangailangan sa larangan ng edukasyon ay makakatulong na ihanda ang kinabukasan ng kabataang Filipino. Ang halagang ito ay maaring makapagpatayo ng 4,644 na paaralan, o maaring makakatulong sa pananalapi ng mga 300,000 na mga mag-aaral sa kolehiyo - pagkakataon upang ang mga mahihirap na estudyante ay magkaroon ng diploma.
Ang halagang P3 billion ay malaking pondo upang ang mga kakaunti nating masisipag na guro ay mapalakas, ang halagang ito ay maaring makapagbigay ng 13,000 na mga guro.
Sinabi rin ng mga mambabatas na ang halagang ito ay mas magandang gamitin upang magkaroon ng trabaho o oputunidad para ang mga mahihirap ay makapagtrabaho. Pagpapalago ng kakayahan, paggawa ng mga daan mula sa kabukiran patungong palengke, at programa tulad ng pagpapautang upang mapalakas ang maliit na mangangalakal.
Ang Manifesto ay tadhana sa PhilHealth na sumakod sa pangangailangan ng mga mahihirap, pagtatayo ng mga klinikang paanakan upang maiwasan ang mga namamatay bago ipanganak, at ang papapatupad ng mas mabuting programang pangkalusugan ng pamilya.
Samakatuwid, ang panukalang P3 billion para sa pondo ng RH bill ay mas maigi na magamit upang tutukan ang pagbibigay ng tunay na solusyon at makaahon sa problema ng kahirapan. Ang bawat Filipino ay wag tingnan na isang bungangang pakakainin mgunit isang taong na may utak na maaring matuto at may kamay na pwedeng sanayin upang makapagtrabaho.
Itong Filipino na pinapakain natin ngayon ay magiging isang nagiisip na utak na magbibigay ng solusyon sa mga problema ng susunod na henerasyon at isang pares ng kamay na magt-aangat sa ating bansa.
Ang dami ng mamayan ay hindi ang dahilan ng kahirapan. Kung ganon, ang RH bill ay hindi ang solusyon na ating kailangan.
Blogs commenting Fr. Jessie's post
Comments
Post a Comment