Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Linggo ng Mga Katutubo/ Linggo ng Matinding Kahirapan https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3205713412860578&id=1565396137123434 Posted by Nuestra Señora de la Natividad Parish - Pangil, Laguna on Sunday, October 11, 2020 UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa Bundok ng Sion, aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa, gagawa siya ng isang piging para sa lahat na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin. Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan na niiyang papawiin ang kamatayan, papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat; aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Kung magkagayon, sasabihin ng lahat: “Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan, ang inaasahan nating magliligtas sa atin; Magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.” Iingatan ng Diyos ang bundok na ito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ...