Sa dami kong nasinimulang mga blogs ay halos di ko na maupdate dahil sa pagaakalang ang mga ito ay sinimulan ko sa pagkaunawa na higit na makakatulong sa pagpapalalim ng pananampalataya. Ang bawat araw ay nagbibigay hamon ayon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon.
Sa aking pagninilay, maliwanag na ang kailangang mga laman ay hindi sa wikang ingles, dahil marami na ito mula sa mga malalaki at mayayamang indibidual o institution na kasapi ng Sambayanang Kristiyanong Katoliko. Alam natin na marami pa rin ang pwede pang idagdag dito dahil sa dami ng pangangailangan at sa laki ng mga resouces ng ating pananampalataya. ngunit nakikita ko ngayon na ang mas kailangan ay mga materyal na tumutugon sa partikular na lenguahe at wika natin, Pilipino. At kung talagang pagtutuunan ng pansin ay kasama na ang walong salita na ginagamit nating mga Pilipino, Cebuano, Ilokano, Tagalog, Bikolano, Ilonggo, Lineyte-Samarnon(Waray-waray), Kapampangan at Tausug.
Kaya nga ninais ko na simulan ang paglalagay ng mga pagbasa at panalangin na ginagamit natin sa pangaraw-araw na pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.Sa tagal ko na sa paggamit at paghahanap ng mga resources sa katutubo nating salita, ilan sa mga nakita na natin ay ang pdf file na pwedeng idownload sa website ng mga Claritians. May mga bagong nagsulputan rin na mga websites na nagnanais tumugon sa bahaging ito ng pagkilos tulad ng http;//www.angbiblia.net na naglalaman ng mga pagbasa mula sa Bagong Magandang Balitang Biblia at ang podcast ng http://www.awitatpapuri.com/. Sa may mga i phone, ipod at i pad pwede ninyong magamit ito sa pang araw-araw ninyong pagninilay saan man kayo pumunta sa wikang sariling atin. Lalo tuloy ako naiingit sa mga may ipad, mapagipunan nga at kahit na second hand ay makabili.
Di ko na sanang gagawin ito dahil sa huling dalang sites na nabanggit, kaya lang ang angbiblia.net ay hindi ang salin na siyang ginagamit natin sa pangaraw-araw na pagdiriwang. Ang online Sambuhay ay tuwing liggo lamang at may bayad, noon nag-offer sila ng free download ng Sambuhay isang araw bago ng petsa ng Sambuhay na gagamitin. Sinubuka ko ito ngunit nakita ko na ang pinakuhi nilang pwede mong ma idownload ay June 27, 2010. Hindi madali ang trabahong ito pero alam ko na marami ang matutulungan nito. At kung sakaling matapos ko ang boung cycle ay tapos na, uulitin na lang ulit pagkatapos ng tatlong taon.
Kaya nga ito na ang Bagong site at kung papalarin ay maglalakay tayo ng sariling pangalan. Sa ngayon ito ay matatagpuan pa sa web address na ito http://leksionaryo.blogspot.com
Ninanais ko rin na makatulong sa kapwa pari na sa pamamagitan nito ay may mga ready to go to magagamit na teksto silang magagamit, e print lang nila o download nila sa kanila mga makabagong gadgets
ShareThis
Blogs commenting Fr. Jessie's post
Comments
Post a Comment