Quiapo Church


Ang simbahan ng Quiapo ay opisyal na kilala bilang Pamparokyang Simbahan ni San Juan Bautista at Basilica Minor ng Itim na Nazareno ay isang Simbahan ng Iglesia Katolika Romana na matatagpuan sa Distrito ng Quiapo, Manila, Philippines.Ito ay nasa harap ng bantog na Plaza Miranda habang daan ng Quezon Boulevard. Ang simbahang ito ay isa sa mga kilalang kilala na Simbahan sa Pilipinas. Dito nakatalaga ang pinagpipitagang imagen ng Panginoong Hesukristo na pinaniniwalaang  ginagamit ng Diyos at naghihimala. Ang simbahan ay pininturahang mala gatas para makahalintulad ito sa orihinal na simbahang may estilo na Barok na nasunog noong 1926. Noong 1984, ito ay lalong pinalaki upang matugunan ang dumaraming devoto nito. Ang Parokya ng San Juan Bautista ay nabibilang sa Arcdiocese ng Manila. Si Rev. Msgr. Jose Clemente Ignacio ang kasalukuyang Rektor ng Basilica at sina Rev. Fr. Frank Villanueva, Rev. Fr. Venusto Suarez and Rev. Fr. Ricardo Valencia ang kanyang mga kasama na namamahala sa mananampalataya ng nasabing Basilica Minor.


Makasaysayang Karanasan

Itinatag ang Distrito ng Quiapo ni Governador Heneral Santiagio de Vera noong August 29, 1586.Kasabay nito ay nagtayo ang mga misyonerong franciscano ng unang simbahan ng quiapo mula sa materyales ng Nipa at Kawayan. Si San Pedro Bautista, isang Franciscanong  misyonero ay isa sa mga nagtatag ng Simbahan nge Quiapo, kaya ninais na ang kanyang imagen ay ilagay sa tabing altar ng simbahan.Si San Pedro Bautista ay maraming naitatag na Simbahan sa Metro Manila at sa lalawigan ng Laguna. Sa kasamaang-palad, ang simbahang ito ay nasunog noong 1639. Sa muling pagtatayo nito ay nagbigay ng mas matibay na gusali na bahagyang nasira naman ng lindol noong 1863. Sa pangangalaga ni Padre Eusebio de Leon at Manuel Roxas, ang pangatlong simbahan at natapos noong 1863 sa halagang nalikom ni padre Roxas na may halagang  PhP. 40,000.00 mula sa donasyon. Ang sunog noong Oktubre 30, 1928, ang simbahan na natupok at ang naiwan lang ay ang madungis na pader at kampanaryo. Dona Encarnacion Nakpil de Orense, ang puno ng Komite ng Parokya at ang Pambansang artista sa arkitektura na si Juan Nakpil  itinalaga na silang maghanap ng pondo para sa pagpapagawa ng Simbahan. Himalang nakaligtas ang Simbahan noong  Ikalawang Pandaigdigang Digmaan habang ang mga nakapaligid na mga gusali nito ay halos madurog.

Ang Patayan Noong 1979

Ang Obispong Hernando Antiporda ay itinalaga na Kura Paroko ng Parokya ng San Juan Bautista ay brutal na pinatay kasama ng kanyang kasamang pari na si Padre Raymundo Costales noong madaling ara ng Disyembre 13, 1975. Ang pagnanakaw ang kinikilalang motibo sa nasabing pagpatay. Ang mga suspek ay binigti ang obispo sa opamamagitan ng kurdon at kanilang sinaksak sa leeg ang kasamang pari ng isang basag na bote.

Pagpapalawak ng Simbahan at Pagkilala bilang Basilika Minor.

Upang mapunuan ang pangangailangan ng mga nagsisimba, Msgr. Jose Abriol, kasama ang arkitektong Jose Ma. Zaragoza at inhinyero. Eduardo Santiago ay kumilos  1984 upang ang parokya at ang Pambansang  Dambana ng Mahal na Nazareno ay mabago ang ayos na higit na matibay at makapagbigay ng mas malawak na espasyo at makatugon sa modernong arkitektura. Ito ay benedinsyunan ni Kardinal Jaime Sin noong  setyembre 28, 1987. Isang taon pagkatappos na ito ay basbasan ay  naideklara bilang Basilica Minor ng Itim na Nazareno. Ang Papal Nuncio, Most Rev. Bruno Torpigliani, ay nagbendisyon ng altar ni San Lorenzo Ruiz noong February 1, 1988.

Ang Imagen
Ang Parokya ni San Juan Bautista ay nangangalaga sa bantog na imagen ng Itim na Nazareno (Senor Nazareno). Ito ay isa sa dalawang magkatulad na imagen na dala ng mga Augustinian Recolectos nong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ang unang imagen ay inilagay sa simbahan ni San Nikolas ng Tolentino sa Bagumbayan na inilipat sa Intramuros noong ang lumang gusali ay giniba. Ang Itim na Nazareno ay bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Palaspaspas sa mapader na lungsod. Nakakalungot dahil ang imagen na ito ay nawala noong panahon ng liberasyon ng Manila noong Pebrero 1945.

Ang pangalawang rebulto ay ibinigay ng mga recoletos sa Simbahan ng Quiapo. Kalimitan, ito ay pinagkakamalan na ito ang katulad na imagen na nawala sa Intramuros. Tuwing ika 9 ng Enero ang mga devoto ay nagtitipon Basilika para sa taonang  kapistahan ng Itim na Nazareno. Ang prusisiyonay natatapos ng ilang oras bago ito makalagpas sa masisikip na kalsada ng  Quiapo na pang bag ay isang dagat ng sangkatauhan. Biyernes ay tinuturing na araw ng Quiapo. Ang mga may sakit at humihingi ng makalangit na pamamagitan ay pumupunta sa pambansang dambana sa masabing araw. Ang pagdiriwang ng Misa ay matutunghayan mula ika - 4 ng umaga hanggang 12:15 ng tanghali at ika - 4 ng hapon hanggang ika 7 ng gabi bawat oras. Ang Pagtatanod sa banal na Sakramento ay tuwing ika 3 ng hapon. Ang Kumpisal ay mula ika 8 ng umaga hanggang ika -7 ng gabi. 

Mga naging Kura Paroko/Namahala
Antonio de Nombella1586
Pablo Ruiz de Talavera1603
Gregorio Catena de Mesa1619
Geronimo Rodriguez de Liyan1634
Jesuit Priests1636-1639
Juan de Rueda1670
Jeronimo Fernandez Caravallo1683
Juan de Bahamonde1717
Pablo Romero1717-1720
Francisco Pujol1720-1728
Bartolome Saguinsin1728-1772
Gaspar Jimenez1772-1793
Luis Mariano1793-1800
Lazaro dela Rosa1800-1823
Arcadio Aquino1824
Juan de los Santos1825
Agustin Mendoza1856-1857
Jose Maria Guevarra1857�1871
Eusebio de Leon1871-1885
Pablo Cruz1885-1888
Manuel Roxas1888-1890
Manuel Marco1893-1896
Gilberto Martin1896-1897
Lorenzo Maximo Gregorio1897-1899
Calixto Villafranca1901-1924
Magdaleno Castillo1924-1936
Vicente Fernandez1936-1954
Francisco Avendano1954-1955
Vicente Reyes (Bishop)1955-1961
Pedro Bantique (Bishop)1961-1967
Bienvenido Lopez (Bishop)1967-1974
Antonio Pascual1974
Hernando Antiporda (Bishop)1974-1975
Jose C. Abriol1976-1991
Beinvenido Mercado1991-1999
Teodoro J. Bujain (Bishop)1999-2004
Joefino Ramirez2004-2007
Jose Clemente Ignacio(Msgr)2007-Present

Ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ay may bagong Website at ninais nila na ang Misa araw -araw lalo na pag araw ng biyernes ang Linggo ay mapapanood sa kanila site.Minor Basilica of the Black Nazarene




----
1.Quiapo Church: mga Dagdag na Materiales


ShareThis

Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

Comments