Posts

Showing posts with the label itim

Quiapo Church: mga Dagdag na Materiales

Image
Nais ko sanang idagdag na lamang ito doon sa unang sipi na ginawa ko tungkol sa Quiapo Church  para isang bukasan nalang nandoon na lahat kaya lang ayaw ng tanggapin ng blooger.com maaring sa sobra ng dami ang laman. Kaya eto naglagay ako ng panibagong sipi para sa mga video na sa tingin ko ay makatulong na maunawaan ang Quiapo Church at ang Itim na Nazareno. Maraming Video kung titingnan mo sa youtube na tumatalakay tungkol dito. sa ngayon, may dalawa pa lang akong napipili. Una, ang tatlong bahagi ng isang dokumentaryo ng isang estasyon ng Radio bilang bahagi ng pagsasaliksik sa misteryo na bumabalot sa debosyon ng Itim na Nazareno. Pangalawa, ang pagsasalarawan ng mga eksena na makikita sa Philippine Drama Series na tumutukoy sa mga karanasan sa kanilang pakikipag=ugnayan sa Diyos sa katauhan ng Itim na Nazareno Ito ay dagdag na materyal tungkol sa Itim na Nazareno ng Quiapo (November 18, 2011).

Quiapo Church

Image
Ang simbahan ng Quiapo ay opisyal na kilala bilang Pamparokyang Simbahan ni San Juan Bautista at Basilica Minor ng Itim na Nazareno ay isang Simbahan ng Iglesia Katolika Romana na matatagpuan sa Distrito ng Quiapo, Manila, Philippines.Ito ay nasa harap ng bantog na Plaza Miranda habang daan ng Quezon Boulevard. Ang simbahang ito ay isa sa mga kilalang kilala na Simbahan sa Pilipinas. Dito nakatalaga ang pinagpipitagang imagen ng Panginoong Hesukristo na pinaniniwalaang  ginagamit ng Diyos at naghihimala. Ang simbahan ay pininturahang mala gatas para makahalintulad ito sa orihinal na simbahang may estilo na Barok na nasunog noong 1926. Noong 1984, ito ay lalong pinalaki upang matugunan ang dumaraming devoto nito. Ang Parokya ng San Juan Bautista ay nabibilang sa Arcdiocese ng Manila. Si Rev. Msgr. Jose Clemente Ignacio ang kasalukuyang Rektor ng Basilica at sina Rev. Fr. Frank Villanueva, Rev. Fr. Venusto Suarez and Rev. Fr. Ricardo Valencia ang kanyang mga kasama na nama...