Sa pamamagitan lamang ng pagtuktok sa ipad ay maari nang masindihan ng Papa ang pinakamalaking Christmas Tree ng hindi umaalis sa kanyang residencia sa Vaticano.
Ang Lungsod at ang Diosesis ng Gubbio ay nagpahayag noong Nobyembre 12 na sisindihan ng Papa Benedicto XVI sa pamamagitan ng koneksyon ng Video na ilalagay ng Vatican Television Center. Ang seremonya ng pagsisindi ay gagawin sa gabi ng Disiembre 7, sa gabi ng kapistahan ng Immaculada Concepcion.
Mula sa kanyang apartment sa lungsod ng Vaticano ay sisindihan niya ang Christmas tree sa papamagitan ng isang Ipad 2 application. Ang Santo Papa ay mabibigay ng isang mensahe na ihahatid sa tulong ng video link bago ang aktwal na pagsisindi samga mamamayan ng Gubbio na nagpapasalamat sa mga nagbuluntaryo sa komite na nagtatag ng nasabing pagkilos upang iayos ang Christmas Tree sa loob ng mahigit na talong decada.
Ang de kuryenteng puno ay may habang 2000 pulgada na nakalagay sa mukha ng bundok Iginio malapit sa Gubbio. Ito ay gumagamit ng 25,000 pulgadang kable ng kuryente. Ito ay itinayo noong 1981 at kinilala ng Pandaigdig na Talaan ng Guinness bilang pinakamalaking puno ang Paskoi Ito ay mananatiling nakasindi hangang sa kapistahan ng Epifania.
ShareThis
Blogs commenting Fr. Jessie's post
Comments
Post a Comment