Posts

Showing posts with the label benedicto

Nagulat ang boung simbahang Katoliko sa desisyon ni Papa Benedicto XVI.

Image
Source: Reuters Sa Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Lourdes, Feb 11, 2013, sa oras natin, February 12, 2013 sa oras ng Europa ay ipinahayag ng Sto. Papa ang kanyang pag iiwan sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng sambayanang Kristiyano na may bilang na 1.2 bilyong katoliko sa boung mundo. Siya ay unag Papang umalis sa kanyang tungkulin mula noong Middle ages, 700 dang taon na ang nakakalipas. Bagamat hindi ito ang tinaguriang kaugalian ng simbahan kahit na mahina at may sakit ang Papa, ito ay nakasaad sa Canon Law sa pagbibitiw ng mga tungkulin ng mga Klero.Sa mga Klero kasama na rin dito ang mga Obispo. Ang papa ay nabibilang rin sa mga hanay ng Obispo bilang Obispo ng Diyosesis ng Roma bagamat siya ang pinakamataas sa lahat. Walang specific na nakalagay sa papa tungkol sa pagbibitiw ng tungkulin ngunit ang mga obispo ay hinihinging magpadala ng sulat ng pagbibitiw pag abot nila ng edad na 75. Sa kanyang edad na 85 ay ibinigay niyang kadahilanan sa kanyang pagbib...

Kampanya ng Pag-anunsyo ng Benetton Binaklas

Image
Inalis ng isang sikat na Italianong nagtitinda ng damit na ang tatak ay Benetton pagkatapos magbanta ang Vatican na sasampahan ito ng kaso upang ipagtanggol ang reputasyon ng Santo Papa Benedicto XVI na  nakalarawan ang kamukha nito na kahalikan ang Muslim na Imam ng Al Azhar Mosque ng Cairo Shiek Ahmed Mohamed El-Tayeb.  Ang Catholic Vote ay agad naglunsad ng isang kampanya sa  F acebook laban sa nasabing gumagawa ng damit na iboycot. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 725 na naglike ilang oras pa lang ito nilikha. Ito ang Larawan kaalinsabay nito ay ang protesta na ipinahayag din ng White House tungkol sa larawan naman ng residente ng Amerika na kahalikan ng lider ng  Venezuela's socialist leader Hugo Chavez, Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at with Palestinian President Mahmoud Abbas, and North Korean leader Kim Jong Il also at South Korean President Lee Myung-bak at German Chancellor Angela Merkel and French president Nicolas Sar...

Sisindihan ng Papa Benedicto XVI ang pinakamalaking Christmas Tree sa pamamagitan ng Ipad.

Image
Sa pamamagitan lamang ng pagtuktok sa ipad ay maari nang masindihan ng Papa ang pinakamalaking Christmas Tree ng hindi umaalis sa  kanyang residencia sa Vaticano. Ang Lungsod at ang Diosesis ng Gubbio ay nagpahayag noong Nobyembre 12 na sisindihan ng Papa Benedicto XVI sa pamamagitan ng koneksyon ng Video na ilalagay ng Vatican Television Center. Ang seremonya ng pagsisindi ay gagawin sa gabi ng Disiembre 7, sa gabi ng kapistahan ng Immaculada Concepcion. Mula sa kanyang apartment sa lungsod ng Vaticano ay sisindihan niya ang Christmas tree sa papamagitan ng isang Ipad 2 application. Ang Santo Papa ay mabibigay ng isang mensahe na ihahatid sa tulong ng video link bago ang aktwal na pagsisindi samga mamamayan ng Gubbio na nagpapasalamat sa mga nagbuluntaryo sa komite na nagtatag ng nasabing pagkilos upang iayos ang Christmas Tree sa loob ng mahigit na talong decada. Ang de kuryenteng puno ay may habang 2000 pulgada na nakalagay sa mukha ng bundok Iginio malapit sa Gubbio. Ito a...