Posts

Showing posts with the label diosesis

Sulat para sa mga kongresista ng apat na distrito ng laguna

Image
(Babasahin sa lahat ng Misa sa mga parokya na nasasakupan ng Diyosesis ng San Pablo) An Open Letter to the Congressmen of the Four Districts of Laguna Mga minamahal Naming Kongresista ng Laguna, Ang pagpapasa ng House Bill 4244  -- o ng  Reproductive Health Bill  -- sa ikalawang pagbasa nito noong ika-13 ng Disyembre ay nakapanlulumo at nakalulungkot. Subalit hindi ito nakapanghihina sa determinasyon ng Simbahan na patuloy na ipaglaban ang buhay at karapatan ng tao. "Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman" (Juan 1:5). Sa usaping ito, isinaalang-alang sana ang katotohanan na " ang ikabubuti ng lahat ng lipunan ay hindi isang layunin sa kanyang sarili; ito ay may halaga lamang kung ito ay may kinalaman sa pagkakamit ng pinaka-huling layunin (ultimate ends) ng tao at ng pangkalahatang ikabubuti ng buong sangnilikha"  ( Compendium of the Social Doctrines of the Church , 170). Ang posibilidad ng pagbubuo at pagkakaroon ...

Katolikong Kayamanan sa Internet

Image
Isang malawakang proyekto ang ninanais nating marating, ang magkaroon ng isang koleksyon ng listahan ng lahat ng mapagkukunan sa internet tungkol sa ating pananampalataya.Hindi naman tayo isang kumpanya o isang mayamang indibidwal, tayo ay isang payak lamang na pari na nagnanais na magkaroon ng isang pagkilos sa larangan ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag. Sa gitna ng isang pagninilay napagtanto na mahalaga na magkaroon ng isang lugar sa internet ng lahat ng websayts, blogs, boards na maaring matagpuan ng mga mananampalataya. Pwede rin namang makuha at maibigay ito ng mga makna ng paghahanap katulad ng Google o Bing kaya lang depende sa laki ng iyong rango sa internet na kung saan ang iba ay pwedeng maiwan. Bago mo matapos makita ang isang sayts sa makina na paghahanap ay maaring ilang pahina ang pwede mong kailangang basahin. Ang iba pa rin doon ay maaring hindi naman talaga tumatalakay sa usapin ng pananampalatayang Katoliko. Maaring nabangit lang ang isang salita na may k...

Sisindihan ng Papa Benedicto XVI ang pinakamalaking Christmas Tree sa pamamagitan ng Ipad.

Image
Sa pamamagitan lamang ng pagtuktok sa ipad ay maari nang masindihan ng Papa ang pinakamalaking Christmas Tree ng hindi umaalis sa  kanyang residencia sa Vaticano. Ang Lungsod at ang Diosesis ng Gubbio ay nagpahayag noong Nobyembre 12 na sisindihan ng Papa Benedicto XVI sa pamamagitan ng koneksyon ng Video na ilalagay ng Vatican Television Center. Ang seremonya ng pagsisindi ay gagawin sa gabi ng Disiembre 7, sa gabi ng kapistahan ng Immaculada Concepcion. Mula sa kanyang apartment sa lungsod ng Vaticano ay sisindihan niya ang Christmas tree sa papamagitan ng isang Ipad 2 application. Ang Santo Papa ay mabibigay ng isang mensahe na ihahatid sa tulong ng video link bago ang aktwal na pagsisindi samga mamamayan ng Gubbio na nagpapasalamat sa mga nagbuluntaryo sa komite na nagtatag ng nasabing pagkilos upang iayos ang Christmas Tree sa loob ng mahigit na talong decada. Ang de kuryenteng puno ay may habang 2000 pulgada na nakalagay sa mukha ng bundok Iginio malapit sa Gubbio. Ito a...

Obispo ng La Union Namayapa

Image
Manila. November 13, 2011 - Ang Obispo ng Diosesis ng Pampanga na si Artemio Rillera, isang misyonero ng Society ng Divine Word (SVD) ay pumanaw kanina sa edad na 59. Si obispong Rillera ay nalagutan ng hininga gawa ng atake sa hika pagkatapos ng kanyang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Seminaryo ng Banal na Puso ni Hesus sa lungsod ng San Fernando, La Union. Ang obispo ay dinala kaagad sa ospital ng Bethany sa nasabing ciudad ngunit inedeklara na itong patay noong dumating sa nasabing pagamutan sa ganap na 10:40 ng umaga. Ang Catholic Bishop's Conference of the Philippines ay nagpahayag ng kalungkutan sa pagkawala ni Obispong Rillera na naging aktibong miembro sa loob ng 18 taon. Isang opisyal ng CBCP ay nagpahayang ng lubhang kalungkutan sa pagkamatay ng obispo. "Nakakagulat. Hindi ito inaasahan" pahayag ni Monsignor Pedro Quitorio, CBCP director ng media. Ang obispong Rillera ay kilalang tagapagtaguyod ng adhikain laban sa pinagbabawal na gamot sa La union at na...