Isang malawakang proyekto ang ninanais nating marating, ang magkaroon ng isang koleksyon ng listahan ng lahat ng mapagkukunan sa internet tungkol sa ating pananampalataya.Hindi naman tayo isang kumpanya o isang mayamang indibidwal, tayo ay isang payak lamang na pari na nagnanais na magkaroon ng isang pagkilos sa larangan ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag.
Sa gitna ng isang pagninilay napagtanto na mahalaga na magkaroon ng isang lugar sa internet ng lahat ng websayts, blogs, boards na maaring matagpuan ng mga mananampalataya. Pwede rin namang makuha at maibigay ito ng mga makna ng paghahanap katulad ng Google o Bing kaya lang depende sa laki ng iyong rango sa internet na kung saan ang iba ay pwedeng maiwan. Bago mo matapos makita ang isang sayts sa makina na paghahanap ay maaring ilang pahina ang pwede mong kailangang basahin. Ang iba pa rin doon ay maaring hindi naman talaga tumatalakay sa usapin ng pananampalatayang Katoliko. Maaring nabangit lang ang isang salita na may kaugnayan sa pananampalatya pero hindi talaga ang tukoy nito.
Ang mga makina ng paghahanap ay tinutukoy pati ang lahat ng mga nalathalang pahina. Ang isang sayts ay maaring may 100, isang libong o isang daang libong pahina kaya makikita ninyo na milyon milyon ang natagpuang mga pahina na inilalagay ng mga makina ng paghahanap.
Ito sana ay isang personal na kolekson lamang kaya lang bakit naman para lang sa isang indibidwal ito samantalang pwede rin namang pakinabangan ng mas marami. Lumabas ito sa mga pagninilay pagkatapos gawin ang sayts sa Filipino Catholic Bloggers Network.
Gawin natin ngayong global, kasama ang lahat ng maari nating matagpuan sa internet maging ito man ay blogs, bulletin boards, websayts o simpleng pahina na nagpapahayag ng isang parokya o diosesis. Basta ito ay naglalaman ng tungkol sa pananampalatayang katoliko na kaugnay ng Iglesia/ Simbahan sa Roma at kaisa ng Sto. Papa.
Hindi naman kaila sa atin na marami nang mga sayts na naglalaman ng mga katolikong kayamanan sa internet kaya lang nais rin natin ng mas malawak na koleksyon katulad ng Catholic Bloggers Network, Catholic-Blogs.com at Saints Blogs Parish. May iba rin silang pamantayan kaysa sa atin. Nakapagpasimula na noon kaya lang ay dahil sa ito ay inilagay lamang bilang isang kawil ng blog na ito. Tatangalin na po natin sila at maglalagay na tayo ng sariling lugar para dito.
Ang lugar nito sa internet ay : Catholic Resources
Facebook Page : Catholic Resources
Twitter @ catholicsource
Facebook Page : Catholic Resources
Twitter @ catholicsource
Comments
Post a Comment