Posts

Showing posts with the label network

I Stand with Pope Francis

Image
Bago magtapos ang panahon ng paglikha ngayong taon 2020 sa Oktubre 4, sa kapistahan ng Santo Francisco ng Assisi.  Ang Kagalang galang na Papa Francisco ay nag aanyaya na suportahan siya sa isang kalinangan at pagkilos sa pagtugon ng crisis ng Corona Virus. Sharing not Plundering. Magbahagi hindi ang Pagdarambong. Ito po ang video ng mensahe ng santo Papa Francisco. Kaya nga inaanyayahan ko rin kayo na makiisa sa bagay na ito at gumawa ng mga panalangin at pagkilos na tunay na isabuhay ang mga turo ng ating pananampalataya na lalong maging makabuluhan ngayon panahon ng pandemic. Ilalagay ko ang ling sa blog na ito sa mas madaling pagpasok at sana rin po ay ibahagi ito sa iba. Pumirma:

Network Card Not Working

Image
My desktop stopped working for internet. It has caused me a lot of time to determine what it causes to do so. I bought a cable tester to see if the Lan cable is defective. It turns out that it was not the cable. I have two router used in one connection as connector to my desktop pc and of the office. The two routers are fine as i tested it to desktop computer at the office. The only one left is the network card and as i search for the icon of two computers as used for internet sign is not showing at the bottom right side of my computer and I could not find the network adapter in the Device Manager also.  I tried to get an update on my network adapter and run the add hardware on the control panel but it could not detect the NIC. I have check the installations of cable in both end. After exhausting myself I decided to but a USB adapter.  

Logo

Image
Medyo natagalan para makagawa ng logo para sa dalawa pang blog na sinimulan kong ayusin ang Catholic Resources at ang   Filipino   Catholic  Bloggers Network . Ipaayos sana sa mga internet cafe na mayroong nagaayos ng   larawang pangkumpyuter, kaya lang maraming ginagawa sila. Mabuti nalang may pagpupulong ang mga kabataan ngayon. mabilis ang mga kabataan ngayon sa larangan ng makabagong teknolohiya. isang pagpapasalamat kina Christian Bautista at Jed Ebron na siyang instrumental sa mga nabanggit nalogo

Katolikong Kayamanan sa Internet

Image
Isang malawakang proyekto ang ninanais nating marating, ang magkaroon ng isang koleksyon ng listahan ng lahat ng mapagkukunan sa internet tungkol sa ating pananampalataya.Hindi naman tayo isang kumpanya o isang mayamang indibidwal, tayo ay isang payak lamang na pari na nagnanais na magkaroon ng isang pagkilos sa larangan ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag. Sa gitna ng isang pagninilay napagtanto na mahalaga na magkaroon ng isang lugar sa internet ng lahat ng websayts, blogs, boards na maaring matagpuan ng mga mananampalataya. Pwede rin namang makuha at maibigay ito ng mga makna ng paghahanap katulad ng Google o Bing kaya lang depende sa laki ng iyong rango sa internet na kung saan ang iba ay pwedeng maiwan. Bago mo matapos makita ang isang sayts sa makina na paghahanap ay maaring ilang pahina ang pwede mong kailangang basahin. Ang iba pa rin doon ay maaring hindi naman talaga tumatalakay sa usapin ng pananampalatayang Katoliko. Maaring nabangit lang ang isang salita na may k...

Rango sa Internet

Pormal na inilagay ang blog na ito na magkaroon ng sariling account sa Alexa na isang internet ranking sayt. Mahalaga na gumamit ng mga ganitong sukatan upang malaman ang ranggo ng isang blog o websayt upang makita rin kung ang mga isinusulat sa nabanngit na blog ay may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Medyo ang nabanngit na pagkilos ay madali sa isang may alam sa pagproprograma sa kumputer pero pwede namang pagaralan ng sino man. Ang pagbubukas ng isang bagong blog tungkol sa Filipino Catholic Bloggers Network ay tamang tama na matugunan ng ganitong uri ng instrumento Ang Google ay mayroon ding ganitong uri ng panukat na makikita mo sa dashboard ng iyong blog, kaya lang kailangan ang iba pang panukat dahil pag-aari din ng Google ang blogspot.

Ang Halaga ng mga Social Sayts

Image
Sang-ayon sa mga experto mahalaga na isang blog o websayt ay na nakakawil sa isang social sayt tulad ng Facebook. Hindi lamang upang tumaas ang ranggo nito ngunit madali itong makita sa maraming lugar na magbibigay sa kanya ng pagkakataon na madalaw ng iba. Kaya nga ang blog na ito ay binigyan ko mismo ng sariling Facebook blogpage at sariling account sa twitter.Ang lugar nito sa Facebook ay https://www.facebook.com/romancatholicpriest at ang account naman sa twitter ay https://twitter.com/Priestjessie . Kasama na rin dito ang Networkedblogs at Pinterest Follow this blog Source: frjessie.blogspot.com via Jessie on Pinterest Pwede ring gamitin ang mga lupon ng mga buton na ito:  - Plugo Labs - Komodo Media  - Janko at Warp Speed - The DelliFeed - Heart My Website - Falling Leaves - E...