Posts

Showing posts with the label websayts

Katolikong Kayamanan sa Internet

Image
Isang malawakang proyekto ang ninanais nating marating, ang magkaroon ng isang koleksyon ng listahan ng lahat ng mapagkukunan sa internet tungkol sa ating pananampalataya.Hindi naman tayo isang kumpanya o isang mayamang indibidwal, tayo ay isang payak lamang na pari na nagnanais na magkaroon ng isang pagkilos sa larangan ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag. Sa gitna ng isang pagninilay napagtanto na mahalaga na magkaroon ng isang lugar sa internet ng lahat ng websayts, blogs, boards na maaring matagpuan ng mga mananampalataya. Pwede rin namang makuha at maibigay ito ng mga makna ng paghahanap katulad ng Google o Bing kaya lang depende sa laki ng iyong rango sa internet na kung saan ang iba ay pwedeng maiwan. Bago mo matapos makita ang isang sayts sa makina na paghahanap ay maaring ilang pahina ang pwede mong kailangang basahin. Ang iba pa rin doon ay maaring hindi naman talaga tumatalakay sa usapin ng pananampalatayang Katoliko. Maaring nabangit lang ang isang salita na may k...