Posts

Showing posts with the label bloggers

Logo

Image
Medyo natagalan para makagawa ng logo para sa dalawa pang blog na sinimulan kong ayusin ang Catholic Resources at ang   Filipino   Catholic  Bloggers Network . Ipaayos sana sa mga internet cafe na mayroong nagaayos ng   larawang pangkumpyuter, kaya lang maraming ginagawa sila. Mabuti nalang may pagpupulong ang mga kabataan ngayon. mabilis ang mga kabataan ngayon sa larangan ng makabagong teknolohiya. isang pagpapasalamat kina Christian Bautista at Jed Ebron na siyang instrumental sa mga nabanggit nalogo

Katolikong Kayamanan sa Internet

Image
Isang malawakang proyekto ang ninanais nating marating, ang magkaroon ng isang koleksyon ng listahan ng lahat ng mapagkukunan sa internet tungkol sa ating pananampalataya.Hindi naman tayo isang kumpanya o isang mayamang indibidwal, tayo ay isang payak lamang na pari na nagnanais na magkaroon ng isang pagkilos sa larangan ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag. Sa gitna ng isang pagninilay napagtanto na mahalaga na magkaroon ng isang lugar sa internet ng lahat ng websayts, blogs, boards na maaring matagpuan ng mga mananampalataya. Pwede rin namang makuha at maibigay ito ng mga makna ng paghahanap katulad ng Google o Bing kaya lang depende sa laki ng iyong rango sa internet na kung saan ang iba ay pwedeng maiwan. Bago mo matapos makita ang isang sayts sa makina na paghahanap ay maaring ilang pahina ang pwede mong kailangang basahin. Ang iba pa rin doon ay maaring hindi naman talaga tumatalakay sa usapin ng pananampalatayang Katoliko. Maaring nabangit lang ang isang salita na may k...

Rango sa Internet

Pormal na inilagay ang blog na ito na magkaroon ng sariling account sa Alexa na isang internet ranking sayt. Mahalaga na gumamit ng mga ganitong sukatan upang malaman ang ranggo ng isang blog o websayt upang makita rin kung ang mga isinusulat sa nabanngit na blog ay may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Medyo ang nabanngit na pagkilos ay madali sa isang may alam sa pagproprograma sa kumputer pero pwede namang pagaralan ng sino man. Ang pagbubukas ng isang bagong blog tungkol sa Filipino Catholic Bloggers Network ay tamang tama na matugunan ng ganitong uri ng instrumento Ang Google ay mayroon ding ganitong uri ng panukat na makikita mo sa dashboard ng iyong blog, kaya lang kailangan ang iba pang panukat dahil pag-aari din ng Google ang blogspot.

Catholic Bloggers Network

Image
Isang magandang tagpo ang makita ang :""sayt" na Catholic Bloggers Network sa internet.  Matagal ko nang ninanis na magkaroon nito ang maging bahagi ng nabanngit na network. Sang ayon narin sa kanila nagsimula ang nabanngit na pagkilos mula sa isang grupo ng facebook na may pangalang  "Saint Padre Pio Catholic Bloggers Network" at  sa inpirasyon sa paanyaya ng Papa Benedicto XVI noong Agosto 2012 para sa isang mas mainam at magandang komunikasyon at pagkakaroon ng portal ng mga blogs at websayt. Ang kanilang moto ay mula sa mga salita ni Padre Pio, " Ang pinakamalaking pagibig ay ang agawin ang mga kaluluwa kay Satanas at ibalik sa Diyos." div align="center"> title="Catholic Bloggers Network">