Isang Panalangin

Amang makapangyarihan Diyos ng kasaysayan
Nagpapasalamat kami sa iyo sa biyaya ng buhay
At sa pagpapadala Mo sa amin ng iyong Anak
Na nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Nawa'y mapahalagahan namin ang bigay Mong buhay.
Matigil nawa ang kultura ng karahasan at walang katuturan na patayan.
Ipadala Mo ang espiritu Santo, upang bigyan Mo kami ng
Malawak na pang-unawa
Na makita ang solusyon sa aming mga suliranin
Sa pamamagitan ng mapayapang paraan.


Diyos ng pag-ibig
Ibinigay Mo ang Iyong anak na si Hesus,
Sa kaligtasan ng sangkatauhan
At ipinakita Mo ito sa larawan ng Banal na Pamilya, Maria, Jose at Hesus.
Patatagin Mo ang pagmamahalan
Ng bawat mag-asawang Kristiyano.
Nawa'y ang pagmamahalan nila
Ay maging katulad ng pagmamahal ni Kristo
Sa Kanyang Simbahan.
Gabayan mo ang mga Magulang, na magampanan nila ng mahusay
Ang kanilang tungkulin sa kanilang mga anak,
Upang hubugin silang mabubuting mamamayan At kristiyanong Katoliko.
Turuan mo ang mga na maging mapagmahal
At masunurin sa kanilang mga magulang at nakatatanda,
Katulad ng batang si Hesus, ang Sto. Nino.


Diyos ng kalikasan,
Nilikha Mo ang lahat ng bagay para sa ikabubuti ng tao.
Turuan mo kaming igalang ang kalikasan,
At magamit namin ang Iyong mga nilikhang bagay
Nang walang pag-abuso, para sa aming kabutihan,
At sa susunod na generasyon.
Alam namin na ang paglapastangan sa kalikasan
Ay magbabadya ng kapahamakan sa amin
Idinudulog namin sa iyo ang aming parokya
Ang mga namumuno at miyembro ng bawat Organisasyong pangsimbahan
Upang lalong maramdaman ang iyong pagpapala.
Ipinapanalangin din namin ang mga Pari,
Upang manatili silang maging Banal
At mahusay na instrumento ng iyong pagpapala at pagliligtas.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon at
Tagapagligtas sa Tulong ng Espiritu Santo. Amen.


San Lorenzo Ruiz Ipanalangin Mo kami
San Miguel Arkanghel Ipanalangin mo Kami
Nuestra Senora de los Angels Ipanalangin mo kami


(Ang panalanging ito ay ginamit bilang bahagi ng panglinggong dasal pagkatapos ng Komunyon bago ng huling panalangin tuwing magdiriwang ng Misa mula noong taong 2003 hanggang January 2007. maraming salamat ka Sis. Ghie Real sa pagkatagpo ng kopyang ito. )

Share

Comments