Posts

Showing posts with the label Simbahan

Happy mother's day, Ppcrv Sunday, Luksang Parokya, Kampana ng Simbahan a...

Image

Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA Job 9, 1-12. 14-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan: “Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sino kaya ang sa kanya ay makalalaban? Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog. Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig. At nauuga niya ang saligan ng daigdig. Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan. Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway. Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang, pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang. Siya’y ...

VGA to HDMI o HDMi to VGA

Image
Sa pagsasaayos ng tv screen sa loob ng simbahan ay nakakalito kung ito ba ay VGA to HDMI o HDMI to VGA. HDMI to VGA ay katulad na lang ng nabili kong wide screen TV na walang VGA port. Ang lumang linya na nadudugtong mula sa computer patungo sa mga TV ay VGA cables. Wala pa rin naman akong nakitang mahaba na HDMI cables na Mahaba na maaring lumapat sa haba ng Simbahan. Kung Tutuusin ang ginamit din namang cables dito ay may converter din para sa VGA.  Ang VGA to HDMI naman ay katulad ng laptop na ginagamit namin na walang VGA port kundi HDMI lamang para maikabit sa VGA cable ng screen system namin sa simbahan. Ang nais ko pong sabihin ay wag malito sa dalawa sapagkat magkaiba talaga sila ng gamit isa sa mg palantandaan ay kung anu pa ang ecoconvert mo. kung anu ang e coconvert moi dapat yun ang malapad na casing.

Seminar sa tagapagmuno live ngayon sa ustream

Image
Live broadcast by Ustream Pamamaraan ng pagkakaroon ng mga lider ay ang pagsisimula nito ng paghuhubog mula sa mga kabataan. hindi natin nililimitahan na kumuha ng lider mula lamang sa mga kabataan o sa mga matatanda lamang, lahat ay dapat isipin ang mga pamamaraan ng makahubog ng mga lider dahil ito ay salat sa ating simbahan. hindi dahil sa ito ay wala ngunit hindi lamang naayos.

Mga Doktor ng Iglesia

Image
Naririnig natin binabanggit sa misa o sa mga panayam ang tungkol sa mga Doktor ng Simbahan. Sa boung kasaysayan ng ating pananampalataya, mayroon lamang tayong 33 Doktor ng Simbahan na itinalaga mula pa kay Hesu-Kristo. Tatlongpung lalaki at talong babae. St. Albert the Great St. Alphonsus Liguori St. Ambrose  St. Anselm  St. Anthony of Padua  St. Athanasius  St. Augustine  St. Basil  St. Bede, the Venerable  St. Bernard of Clairvaux  St. Bonaventure  St. Catherine of Siena  St. Cyril of Alexandria  St. Cyril of Jerusalem  St. Ephraem of Syria  St. Francis de Sales  St. Gregory Nazianzus  St. Gregory the Great  St. Hilary of Poitiers  St. Isidore  St. Jerome  St. John Chrysostom  St. John Damascene  St. John of the Cross  St. Lawrence of Brindisi  St. Leo the Great   St. Peter Canisius  St. Peter Chrysologus  St. Peter Dami...

Liham Pastoral sa Pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya

Image
Mga minamahal na kapatid kay Kristo, Ipinahayag ni Papa Benito XVI sa kanyang Liham Apostoliko Porta Fidei ang Taon ng Pananampalataya na pasisimulan sa ika-11 ng Oktubre 2012 at magtatapos sa ika-24 ng Nobyembre 2013, ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Inaanyayahan ang buong Simbahan na ipagdiwang ang natatanging kaloob ng pananampalataya, na muli itong tanggapin at maligayang ipahayag at ibahagi. Ang minamahal nating Arkidiyosesis ng Maynila ay nakikiisa sa Simbahan sa buong mundo sa pagsalubong sa  Ang Dahilan ng Taon ng Pananampalataya Masusing pinili ang petsa ng pagbubukas ng Taon ng Pananampalataya. Ipinaliliwanag nito ang layunin ng Santo Papa. Ika-limampung anibersaryo ng pagbubukas ng Ikalawang Konsilyo Vaticano (1962) at ika-dalawampung anibersaryo ng pagpapasinaya sa Katesismo ng Simbahang Katoliko (1992) sa ika-11 ng Oktubre 2012. Ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito ang nagtatakda ng diwa ng Taon ng Pananampalataya. Sa ating panahon, ang Ikalawang ...

Widget ng mga Santo at Santa

Image
Isang magandang tanawin na matagpuan sa isang katolikong websayt kung may mga widgets na naglalabas ng mga Santo sa pangaraw na buhay. Pagkatingin mo pa lang ay may makikita ka na na santo o santa na ipinagdidiriwang sa araw na ito. Ito nga lamang ay sa wikang banyaga. Matagal ko nang pinagaaralan ang gumawa ng ganitong uri na widget pero di ko pa natatapos dahil hindi ako magaling sa programming. Kinakailangan ang isang magaling sa Javascript, css, flash at html. Kung papalarin makakagawa rin tayo na tagalog. Wala pati dito sa widget na ito ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz dahil naka base ang kalendaryo liturhika  na ito sa U.S.

Isang Panalangin

Image
Amang makapangyarihan Diyos ng kasaysayan Nagpapasalamat kami sa iyo sa biyaya ng buhay At sa pagpapadala Mo sa amin ng iyong Anak Na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Nawa'y mapahalagahan namin ang bigay Mong buhay. Matigil nawa ang kultura ng karahasan at walang katuturan na patayan. Ipadala Mo ang espiritu Santo, upang bigyan Mo kami ng Malawak na pang-unawa Na makita ang solusyon sa aming mga suliranin Sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Diyos ng pag-ibig Ibinigay Mo ang Iyong anak na si Hesus, Sa kaligtasan ng sangkatauhan At ipinakita Mo ito sa larawan ng Banal na Pamilya, Maria, Jose at Hesus. Patatagin Mo ang pagmamahalan Ng bawat mag-asawang Kristiyano. Nawa'y ang pagmamahalan nila Ay maging katulad ng pagmamahal ni Kristo Sa Kanyang Simbahan. Gabayan mo ang mga Magulang, na magampanan nila ng mahusay Ang kanilang tungkulin sa kanilang mga anak, Upang hubugin silang mabubuting mamamayan At kristiyanong Katoliko. Turuan mo ang mga na mag...

Kailangan Ba natin ang RH Bill Poll

Image
Get your own Poll! Ang usapin ng pagpapasa ng reproductive health bill ay lalong naging mainit dahil sa matinding pagnanais ng gobyerno na pigilan ang pagdami ng mga Filipino. Ang Simbahang Katoliko ay di pumapayag sa pamamaraan na pinipili ng Gobyerno. Hayaan ninyo na sa pamamaggitan ng pagboto sa tanong na ito ay maaring makita ang pulso ng sambayanang Kristiyano.

A Catholic Voice in the Pagan World's Blog

Image
A Catholic Voice in the Pagan World's Blog ay naglalaman ng kristiyanong paglalakbay, mga relasyon at karanasan ni Reberendo Patrick Kearrns, isang permanenteng diakono ng Diyosesis ng Sakramento, USA ng Simbahang Katolika Romana.