ORATIO IMPERATA PARA SA PAGGALANG SA BUHAY NG TAO

Oratio Imperata Para sa Paggalang ng Buhay ng Tao

Ama naming mapagmahal,
Ikaw ang lumikha at nagmamahal sa lahat ng buhay.
Nilikha at hinubog mo ang bawat tao na iyong kawangis at kalarawan.
Pagkalooban mo kami ng lakas at tapang
upang ipagtanggol at pangalagaan ang buhay ng tao
mula sa sinapupunan hanggang sa kusang pagpanaw nito.

Nagsusumamo kami sa iyo para sa iyong awa,
lakas at kapayapaan
sa lahat ng nasangkot sa “abortion.”
Tulutan mong maging handa kami
upang tulungan na maibsan ang kapighatian
at hirap ng mga kababaihang dumadanas
ng tindi ng suliranin sanhi ng kanilang pagdadalang-tao.

Ipinapananalangin din namin ang aming mga pinuno at mambabatas,
upang sila’y gabayan ng biyaya ng Espiritu Santo
na manindigan ayon sa pananampalataya sa Iyo
sa pagharap nila sa usaping ito.

Mahal na Birhen, aming maibiging Ina,
ipinagkakatiwala naming sa iyo ang mga mithiin naming para sa buhay.

Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristong aming Panginoon. Amen

Mahal na Birhen ng Guadalupe. Ipanalangin mo kami.
Santa Rosa ng Lima. Ipinalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz. Ipanalangin mo kami.




ShareThis

Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

Comments