ORATIO IMPERATA PARA SA PAGGALANG SA BUHAY NG TAO
Oratio Imperata Para sa Paggalang ng Buhay ng Tao Ama naming mapagmahal, Ikaw ang lumikha at nagmamahal sa lahat ng buhay. Nilikha at hinubog mo ang bawat tao na iyong kawangis at kalarawan. Pagkalooban mo kami ng lakas at tapang upang ipagtanggol at pangalagaan ang buhay ng tao mula sa sinapupunan hanggang sa kusang pagpanaw nito. Nagsusumamo kami sa iyo para sa iyong awa, lakas at kapayapaan sa lahat ng nasangkot sa “abortion.” Tulutan mong maging handa kami upang tulungan na maibsan ang kapighatian at hirap ng mga kababaihang dumadanas ng tindi ng suliranin sanhi ng kanilang pagdadalang-tao. Ipinapananalangin din namin ang aming mga pinuno at mambabatas, upang sila’y gabayan ng biyaya ng Espiritu Santo na manindigan ayon sa pananampalataya sa Iyo sa pagharap nila sa usaping ito. Mahal na Birhen, aming maibiging Ina, ipinagkakatiwala naming sa iyo ang mga mithiin naming para sa buhay. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristong aming Panginoon. Amen...