RITO NG PANIMULA
AWIT NA PAMBUNGAD
PAGBATI
P. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B. Amen
P. Sa biyaya n gating Panginoong Hesukrist, ang pag-ibig ng Diyos at ang Liwanag ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat.
B. At Sumainyo rin
PAGSISISI NG KASALANAN
P. Bilang mag-anak ng Diyos, dumulog tayo ng buong pananalig sa kanya upang patawarin an gating mga kasalanan,yamang siya’y puno ng biyaya at awa
P. Panginoong Hesus, pinapagaling mo ang mga may sakit.
Panginoon, maawa ka
B. Panginoon, maawa ka
P. Panginoong Hesus, pinapatawa mo ang mga makasalanan.
Kristo, maawa ka
B. Kristo, maawa ka
P. Panginoong Hesus, ibinigay mo sa amin ang iyong sariliupang kami’y pagalingin at bigyan ng lakas
Panginoon, maawa ka
B. Panginoon, maawa ka
P. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo ng buhay na walang haggan
B. Amen
LUWALHATI SA DIYoS (aawitin)
PANALANGING PAMBUNGAD
P. Ama naming makapangyarihan, ikaw ang kagalingan ng mga nananalig kalianman. Dinggin mo ang aming pakiusap sa mga may karamdaman na aming hinihinging tulungan mo at kaawaan upang sa pagbabalik ng kanilang kagalingan, ikaw ay mapasalamatan sa pagtitipon ng iyong sambayanan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
B. Amen
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Unang Pagbasa IS 53:1-10
Tulad ng mga tupa, tayo’y naligaw, bawat isa’y nagkanya-kanyang daan. Ngunit sa kanya ibinunton ni Yahweh ang sala nating lahat. Siya’y pinagmalupitan at nagpakababa, ngunit hindi nagbuka ng bibig. Tulad ng korderong dinala sa patayan, at tulad ng tupang walang imik na ginugupitan, hindi siya nagbuka ng bibig.
Hinuli siya at hinatulan, siya’y kinuha. At sinong makaiisip ng kanyang sinapit? Inihiwalay sa lupain ng mga buhay at pinarusahan dahil sa sala ng kanyang bayan. Inilibing siyan kasama ng mga masasama, ibinaon sa libingan ng mga maniniil bagamat wala siyang ginawang karahasan ni nagsalita ng kasinungalingan.
Ngunit niloob ni Yahweh na siya’y durugin sa paghihirap, ang buhay niya’y ginawa mong handog sa kasalanan, kaya magtatamasa siya ng mahabang buhay at makikita ang kanyang mga supling. Sa pamamagitan niya’y matutupad ang kalooban ni Yahweh.
Ito ang salita ng Diyos.
B. Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
(Salmo 103)
Koro: Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan. Anumang sakit, ginagamot niyang lahat.
Si Yahweh ay papurihan, purihin mo kluluwa; ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihin: at huwag mong lilimutin yaong kabutihan. (T/)
Ang lahat kong kasalanan’y siya ang nagpapatawad: at anuman aking sakit, ginagamut niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas: at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. (T/)
Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan: natatamo ng inaapi ang kanilang karapatan. Ang balangkas niya’t utos kay Moises ibinilin: ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel. (T/)
Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos: kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos. Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim: yaong taglay niyang galit: hindi siya kinikimkim. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway: di niya tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.
ALELUYA
P. Aleluya. Pinawi niya ang ating mga pagkakasakit at pinasan ang ating karamdaman para sa atin.
B. Aleluya.
MABUTING BALITA
Jn 2: 1-11
May kasalanan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Jesus, si Jesus at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung gallon. Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuo nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang nmamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig na nagiging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap sa alak. Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”
Ang nangyaring ito sa Cana, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.
Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Papuri sa iyo, Panginoong Hesukristo.
HOMILYA
RITO SA PAGPAPAHID NG LANGIS
Ngayon, sa pamamagitan ng ministry ng Simbahan, ang mga kapatid nating maysakit ay tatanggap ng sakramento ng Pagpapahid ng Langis ng Maysakit. Manalangin muna tayo. Pagkatapos ay ipapatong ng pari ang kanyang kamay sa maysakit at darasalin ang panalangin ng pasasalamat. Papahiran niya ng langis ang maysakit sa noo at mga kamay at tatapusin ang pagdiriwang ng sakramentong ito ng isa pang panalangin.
Ito ay isang mahalagang sandali ng grasya. Sa pamamagitan ng sakramentong ito, ang mga kapatid nating maysakit ay matatanggap ang grasya ng Banal na Espiritu na siyang magpapalakas ng kanilang pananampalataya at pag-asa sa Panginoon. Ito ay isang pangyayari kung saan ang kabuuan ng kanilang pagkatao ay natutulungang makamit ang kaligtasan. Ipagdiwang natin ang sakramentong ito nang may pananampalataya at kasiyahan.
LITANYA
P. Manalangin tayo sa Panginoon para sa mga kapatid nating maysakit at para sa lahat ng nagtatalaga ng kanilang sarili sa pagsisilbi at pag-aaruga sa kanila. Masdan mo nang buong lugod ang mga kapatid naming maysakit.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Bigyan mo ng panibagong lakas ang kanilang katawan at pag-iisip.

P. Pagaanin mo ang mga paghihirap ng mga kapatid naming maysakit.

P. Palayain mo sila sa kasalanan at tukso. Pangalagaan mo sila sa iyong kapangyarihan.

P. Tulungan mo lahat ng nag-aalaga sa maysakit.

P. Bigyan mo ng buhay at kalusugan ang mga kapatid naming papatungan ko ng aking kamay sa ngalan mo.

PAGPAPATONG NG KAMAY
(Tahimik tayong manalangin at umawit habang ipinapatong ng pari ang kanyang kamay sa ulo ng maysakit.)
COME HOLY SPIRIT
PANALANGIN SA BANAL NA LANGIS
P. Papuri sa iyo, makapangyarihan Diyos at Ama
Sinugo mo ang iong Anak upang makipamuhay sa amin at maghati ng iyong Kaligtasan.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Papuri sa iyo, Panginoong Hesukristo ang natatanging Anak ng Ama.
Ikaw ay buong kababaang-loob na nakikiisa sa aming pamumuhay bilang tao at niloob mong pagalingin ang lahat ng aming karamdaman.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Papuri sa iyo, Diyos Espiritu Santo, ang nagpapalubag sa aming damdamin. Pinanagagaling mo ang aming karamdaman sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Panginoong Diyos, taglay ang pananampalataya sa iyo, itong aming mga kapatid ay papahiran nitong banal na langis. Pagaanin mo ang kanilang mga tiisin at palakasin mo sila sa sandaling ito ng kanilang kahinaan. Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.
PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS
P. Sa bisa nitong pagpapahid ng banal na langis at alang-alang sa pag-ibig at awa sa iyo ng Panginoon, tulungan ka nawa niya sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo.
B. Amen.
P. Tinubos ka ng Panginoon mula sa kasalanan. Gawaran ka nawa niya ng kagalingan, lakas at kaligtasan.
B. Amen.
PANALANGIN PAGPAPAHID NG LANGIS
P. Manalangin tayo. Panginoong Hesukristo, aming Manunubos, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, pagaanin mo ang tinitiis nitong aming mga kapatid na maysakit at sila’y iyong pagalingin. Alang-alang sa iyong pag-ibig at awa, patawarin mo ang kanilang mga kasalanan at pagkalooban mo sila ng ganap na kalusugan upang muli silang makabalik sa paglilingkod sa iyo, Panginoong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
B. Amen.
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Diyos na aming Ama, kami’y ginagabayan ng iyong pagmamahal sa bawat sandali ng aming buhay. Tanggapin mo ang aming mga panalangin at alay na aming inihahandog para sa aming mga kapatid na maysakit, ibalik mo ang kanilang kagalingan, palitan mo ng tuwa ang aming pag-aalala sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon.
B. Amen.
PAKIKINABANG
AMA NAMIN…
Mga Awitin sa Pgpapakinabang
PANALANGIN PAGPAPAKINABANG
P. Ama namin, ikaw ang tumutulong sa aming kahinaan, ipamalas mo sa aming mga kapatid na maysakit ang kapangyarihan ng iyong mapagmahal na kalinga. Sa iyong kabutihan, pagalingin mo sila at ibalik mo sila sa iyong Simbahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong Panginoon. Amen.
PAGBABASBAS
P. Sumainyo ang bendisyon ng makapangyarihang Diyos at bigyan kayo ng kapayapaan habang kayo’y nabubuhay. Amen.
P. Iligtas kayo sa ligalig at patatagin ang inyong mga loob sa pagmamahal sa kanya. Amen.
P. Nawa’y maging mabunga ang inyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang ang lahat ng inyong gawain sa buhay na ito ay magdala sa inyo ng kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Amen.
P. At sumainyo ang pagpapala ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.
B. Amen.
P. Tapos na ang misa, humayo kayo sa kapayapaan.
B. Salamat sa Diyos.
PANGWAKAS NA AWIT
AWIT NA PAMBUNGAD
PAGBATI
P. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B. Amen
P. Sa biyaya n gating Panginoong Hesukrist, ang pag-ibig ng Diyos at ang Liwanag ng Espiritu Santo ay sumainyong lahat.
B. At Sumainyo rin
PAGSISISI NG KASALANAN
P. Bilang mag-anak ng Diyos, dumulog tayo ng buong pananalig sa kanya upang patawarin an gating mga kasalanan,yamang siya’y puno ng biyaya at awa
P. Panginoong Hesus, pinapagaling mo ang mga may sakit.
Panginoon, maawa ka
B. Panginoon, maawa ka
P. Panginoong Hesus, pinapatawa mo ang mga makasalanan.
Kristo, maawa ka
B. Kristo, maawa ka
P. Panginoong Hesus, ibinigay mo sa amin ang iyong sariliupang kami’y pagalingin at bigyan ng lakas
Panginoon, maawa ka
B. Panginoon, maawa ka
P. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo ng buhay na walang haggan
B. Amen
LUWALHATI SA DIYoS (aawitin)
PANALANGING PAMBUNGAD
P. Ama naming makapangyarihan, ikaw ang kagalingan ng mga nananalig kalianman. Dinggin mo ang aming pakiusap sa mga may karamdaman na aming hinihinging tulungan mo at kaawaan upang sa pagbabalik ng kanilang kagalingan, ikaw ay mapasalamatan sa pagtitipon ng iyong sambayanan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
B. Amen
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Unang Pagbasa IS 53:1-10
Sinong makapaniwala sa aming narinig at kanino inihayag ang galaw ng bisig ni Yahweh? Tulad ng ugat sa lupang tigang, tulad ng isang murang supling, siya’y lumago sa harap ni Yahweh. Walang ganda, walang ningning, ni anyong nakakaakit sa atin. Siya’y hinamak at itinakwil ng mgatao, lumaki sa paghihirap at bihasa sa karamdaman, pinagtataguan ng mukha ng kapwa, hinamak at hindi natin pinahalagahan.
Ngunit pinasan niya an gating mga karamdaman at dinala an gating paghihirap. Itinuring nating pinarusahan siya ng Diyos, hinampas at ibinagsak. Nilapastangan nga siya dahil sa ating mga kasalanan. Tiniis nya ang mga parusang hated ay kapayapaan sa atin, at sa kanyang mga sugat tayo ay gumaling.Tulad ng mga tupa, tayo’y naligaw, bawat isa’y nagkanya-kanyang daan. Ngunit sa kanya ibinunton ni Yahweh ang sala nating lahat. Siya’y pinagmalupitan at nagpakababa, ngunit hindi nagbuka ng bibig. Tulad ng korderong dinala sa patayan, at tulad ng tupang walang imik na ginugupitan, hindi siya nagbuka ng bibig.
Hinuli siya at hinatulan, siya’y kinuha. At sinong makaiisip ng kanyang sinapit? Inihiwalay sa lupain ng mga buhay at pinarusahan dahil sa sala ng kanyang bayan. Inilibing siyan kasama ng mga masasama, ibinaon sa libingan ng mga maniniil bagamat wala siyang ginawang karahasan ni nagsalita ng kasinungalingan.
Ngunit niloob ni Yahweh na siya’y durugin sa paghihirap, ang buhay niya’y ginawa mong handog sa kasalanan, kaya magtatamasa siya ng mahabang buhay at makikita ang kanyang mga supling. Sa pamamagitan niya’y matutupad ang kalooban ni Yahweh.
Ito ang salita ng Diyos.
B. Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
(Salmo 103)
Koro: Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan. Anumang sakit, ginagamot niyang lahat.
Si Yahweh ay papurihan, purihin mo kluluwa; ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihin: at huwag mong lilimutin yaong kabutihan. (T/)
Ang lahat kong kasalanan’y siya ang nagpapatawad: at anuman aking sakit, ginagamut niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas: at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. (T/)
Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan: natatamo ng inaapi ang kanilang karapatan. Ang balangkas niya’t utos kay Moises ibinilin: ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel. (T/)
Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos: kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos. Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim: yaong taglay niyang galit: hindi siya kinikimkim. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway: di niya tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.
ALELUYA
P. Aleluya. Pinawi niya ang ating mga pagkakasakit at pinasan ang ating karamdaman para sa atin.
B. Aleluya.
MABUTING BALITA
Jn 2: 1-11
May kasalanan sa Cana, Galilea, at naroon ang ina ni Jesus, si Jesus at ang kanyang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alak kaya’t sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Naubusan sila ng alak.” Sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
Doo’y may anim na tapayan, ang bawat isa’y naglalaman ng dalawampu hanggang tatlumpung gallon. Sinabi ni Jesus sa mga katulong, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At pinuo nga nila hanggang sa labi. Pagkatapos sinabi niya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang nmamahala ng handaan. Tinikman naman nito ang tubig na nagiging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, bagamat alam ng mga katulong na sumalok ng tubig kaya’t tinawag niya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Ang una pong inihahain ay ang masarap sa alak. Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit ipinagpahuli ninyo ang masarap na alak.”
Ang nangyaring ito sa Cana, ay siyang unang kababalaghang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito’y inihayag niya ang kanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya ang mga alagad.
Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B. Papuri sa iyo, Panginoong Hesukristo.
HOMILYA
RITO SA PAGPAPAHID NG LANGIS
Ngayon, sa pamamagitan ng ministry ng Simbahan, ang mga kapatid nating maysakit ay tatanggap ng sakramento ng Pagpapahid ng Langis ng Maysakit. Manalangin muna tayo. Pagkatapos ay ipapatong ng pari ang kanyang kamay sa maysakit at darasalin ang panalangin ng pasasalamat. Papahiran niya ng langis ang maysakit sa noo at mga kamay at tatapusin ang pagdiriwang ng sakramentong ito ng isa pang panalangin.
Ito ay isang mahalagang sandali ng grasya. Sa pamamagitan ng sakramentong ito, ang mga kapatid nating maysakit ay matatanggap ang grasya ng Banal na Espiritu na siyang magpapalakas ng kanilang pananampalataya at pag-asa sa Panginoon. Ito ay isang pangyayari kung saan ang kabuuan ng kanilang pagkatao ay natutulungang makamit ang kaligtasan. Ipagdiwang natin ang sakramentong ito nang may pananampalataya at kasiyahan.
LITANYA
P. Manalangin tayo sa Panginoon para sa mga kapatid nating maysakit at para sa lahat ng nagtatalaga ng kanilang sarili sa pagsisilbi at pag-aaruga sa kanila. Masdan mo nang buong lugod ang mga kapatid naming maysakit.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Bigyan mo ng panibagong lakas ang kanilang katawan at pag-iisip.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Pagaanin mo ang mga paghihirap ng mga kapatid naming maysakit.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Palayain mo sila sa kasalanan at tukso. Pangalagaan mo sila sa iyong kapangyarihan.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Tulungan mo lahat ng nag-aalaga sa maysakit.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
P. Bigyan mo ng buhay at kalusugan ang mga kapatid naming papatungan ko ng aking kamay sa ngalan mo.
B. Panginoon, Dinggin mo ang aming panalangin.
PAGPAPATONG NG KAMAY
(Tahimik tayong manalangin at umawit habang ipinapatong ng pari ang kanyang kamay sa ulo ng maysakit.)
COME HOLY SPIRIT
PANALANGIN SA BANAL NA LANGIS
P. Papuri sa iyo, makapangyarihan Diyos at Ama
Sinugo mo ang iong Anak upang makipamuhay sa amin at maghati ng iyong Kaligtasan.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Papuri sa iyo, Panginoong Hesukristo ang natatanging Anak ng Ama.
Ikaw ay buong kababaang-loob na nakikiisa sa aming pamumuhay bilang tao at niloob mong pagalingin ang lahat ng aming karamdaman.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Papuri sa iyo, Diyos Espiritu Santo, ang nagpapalubag sa aming damdamin. Pinanagagaling mo ang aming karamdaman sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
B. Pagpalain ang Diyos.
P. Panginoong Diyos, taglay ang pananampalataya sa iyo, itong aming mga kapatid ay papahiran nitong banal na langis. Pagaanin mo ang kanilang mga tiisin at palakasin mo sila sa sandaling ito ng kanilang kahinaan. Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.
PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS
P. Sa bisa nitong pagpapahid ng banal na langis at alang-alang sa pag-ibig at awa sa iyo ng Panginoon, tulungan ka nawa niya sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo.
B. Amen.
P. Tinubos ka ng Panginoon mula sa kasalanan. Gawaran ka nawa niya ng kagalingan, lakas at kaligtasan.
B. Amen.
PANALANGIN PAGPAPAHID NG LANGIS
P. Manalangin tayo. Panginoong Hesukristo, aming Manunubos, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, pagaanin mo ang tinitiis nitong aming mga kapatid na maysakit at sila’y iyong pagalingin. Alang-alang sa iyong pag-ibig at awa, patawarin mo ang kanilang mga kasalanan at pagkalooban mo sila ng ganap na kalusugan upang muli silang makabalik sa paglilingkod sa iyo, Panginoong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
B. Amen.
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Diyos na aming Ama, kami’y ginagabayan ng iyong pagmamahal sa bawat sandali ng aming buhay. Tanggapin mo ang aming mga panalangin at alay na aming inihahandog para sa aming mga kapatid na maysakit, ibalik mo ang kanilang kagalingan, palitan mo ng tuwa ang aming pag-aalala sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon.
B. Amen.
PAKIKINABANG
AMA NAMIN…
Mga Awitin sa Pgpapakinabang
PANALANGIN PAGPAPAKINABANG
P. Ama namin, ikaw ang tumutulong sa aming kahinaan, ipamalas mo sa aming mga kapatid na maysakit ang kapangyarihan ng iyong mapagmahal na kalinga. Sa iyong kabutihan, pagalingin mo sila at ibalik mo sila sa iyong Simbahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Cristong Panginoon. Amen.
PAGBABASBAS
P. Sumainyo ang bendisyon ng makapangyarihang Diyos at bigyan kayo ng kapayapaan habang kayo’y nabubuhay. Amen.
P. Iligtas kayo sa ligalig at patatagin ang inyong mga loob sa pagmamahal sa kanya. Amen.
P. Nawa’y maging mabunga ang inyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang ang lahat ng inyong gawain sa buhay na ito ay magdala sa inyo ng kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Amen.
P. At sumainyo ang pagpapala ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.
B. Amen.
P. Tapos na ang misa, humayo kayo sa kapayapaan.
B. Salamat sa Diyos.
PANGWAKAS NA AWIT
Comments
Post a Comment