San Alberto Magno

Ang dakilang San Alberto (St. Albertus Magnus) ay pintakasi ng mga siyentipiko at naging guro ni Santo Thomas ng Aquinas. Itinuturing siyang pinakamagaling na pilosopo at teologong Aleman ng mga siglong panggitna. Siya ay nanguna sa mga nanguna sa mga taong may malaking kaalaman na gamitin ang pilosophia ni Aristotle sa kristianong isipan noong kapanahunan niya. Ang Iglesia Katoliko Romana ay tinuturing siyang isa sa mga pantas ng simbahan bilang pankalahatang pantas (Doctor Universalis).

Siya ay panganay na Anak ng conte ng Bollstadt, ipinanganak sa Lauingen, Swabia, timog-kanlurang panig ng Alemanya noong taong 2005. Walang nakakaalam kung saan siya nagaral noong kamuraang edad niya na maaring natanggap niya sa sariling tahanan o sa malapit na paaralan. Noong kabataan niya ay pinadala siya sa unibersidad ng Padua. Napili ang lungsod na ito dahildoon nakatira ang kanyang tiyo at ang Padua ay kilala sa kanyang kultura at sining na kung saan ang binatilyo ay may hilig.


Noong 1223 ay naakit ni Jordan ng saxony, ang pangkalahatang patnugot ng kapatiran ng mga Dominikano.Pagkatapos ng kanyang pag-aaral ay nagturo siya ng teologo sa Hildesheim, Freiburg (Breisgau), Ratisbon, Strasburg, at Cologne. Nasa kumbento siya ng Cologne habang bibnibiyan niya ng kahulugan ang "Book of the Sentences" ni Peter Lombard na kung saan siya pinatawag sa Paris.

Sa Paris siya nagkaroon ng katibayan sa pagkadoktor sa univesidad ng teologo. Dito niya nakatagpo si Tomas ng Aquinas bilang isang matahimik at mmaalahanin na bata na ang kanyang pagkahenyo ay kinikilala. Noong 1245 sinamahan ni Tomas si San Alberto sa Paris at kasama rin niyang bumalik noong 1248 sa bagong stadium generale ng Cologne. Dito itinalaga si Albeto bilang rehente at si Tomas bilang pangalawang propesor at patnugot ng mag-aaral.

Noong 1254 si Alberto ay naging puno ng probinsiya ng mga Dominikano sa Aleman.Naglakbay siya sa Roma noong 1256 upang ipagtangol ang order ng mga nagpapalimos laban sa pagatake ni Willian ni San Amour na siyang may akda ng “De novissimis temporum periculis” na ipinagbawal gamitin ni Papa Alexander IV noong Oktubre 5, 1256.

Sa pagtigil niya sa Roma siya ay itinalaga bilang puno ng Banal na Palasyo. Ipinangaral niya roon ang ebanghelyo ni San Juan at ng mga Canon ng mga Liham.In 1257 nagbitiw siya sa tungkulin bilang puno ng probinsya upang mailaan ang sarili sa pag-aaral at pagtuturo.Sa pangkalahatang balangay ng Dominikano sa Valenciennes noong 1250 kasama sina Tomas ng Aquinas at Peter ng Tarentasia na naging Pope Innocent V ay gumawa ng mga patakaran sa patutunguhan ng mga pag-aaral at ang pagtitiyak ng sistema ng pagtatapos sa order ng Dominikano.

Si alberto ay tinalagang obispo ng Ratisbon noong 1260.Pinangalagaan ni San Alberto ang Diosesis sa loob ng dalawang taon at pinayagang magbitiw upang makapagturo.

Noong 1270 ay nagpadala siya ng sulat kay Santo Tomas sa Paris upang tulungan niyang labanan si Siger de Brabant at ang mga Averroists, ito ay ang pangalawang sanaysay na ginawa niya para kay Siger. "De Unitate Intellectus Contra Averroem" ay ang titulo ng unang sanaysay na ginawa niya laban sa Arabiano. Noong 1274, siya ay pinatawag ng Papa Gregorio X na dumalo sa konseho ng Lyons. siya ay aktibong nakiisa sa pagliulimo ng mga usapin tungkol sa pananampalataya.

Papunta na siya sa Konseho nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Santo Tomas ng Aquinas sa Fossa Nuova ay nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan at naipahayag niya na ang liwanag ng simbahan ay naupos.

Bumalik ang kanyang sigla noong 1277 kung saan ibinalita na si Stephen Tempier at mga kasamahan ay nagnais na isumpa ang mga sulat ni Santo Tomas. Siya ay naglakbay sa Paris upang ipagtanggol ang alaala ng kanyang alagad.

Namatay siya noong 1278. Siya ay ginawang beato ni Papa Gregorio noong 1622. Naging santo noong 1931. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 15.












ShareThis



Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

Comments