Posts

Showing posts with the label magnus

San Alberto Magno

Image
Ang dakilang San Alberto (St. Albertus Magnus) ay pintakasi ng mga siyentipiko at naging guro ni Santo Thomas ng Aquinas. Itinuturing siyang pinakamagaling na pilosopo at teologong Aleman ng mga siglong panggitna. Siya ay nanguna sa mga nanguna sa mga taong may malaking kaalaman na gamitin ang pilosophia ni Aristotle sa kristianong isipan noong kapanahunan niya. Ang Iglesia Katoliko Romana ay tinuturing siyang isa sa mga pantas ng simbahan bilang pankalahatang pantas (Doctor Universalis). Siya ay panganay na Anak ng conte ng Bollstadt, ipinanganak sa Lauingen, Swabia, timog-kanlurang panig ng Alemanya noong taong 2005. Walang nakakaalam kung saan siya nagaral noong kamuraang edad niya na maaring natanggap niya sa sariling tahanan o sa malapit na paaralan. Noong kabataan niya ay pinadala siya sa unibersidad ng Padua. Napili ang lungsod na ito dahildoon nakatira ang kanyang tiyo at ang Padua ay kilala sa kanyang kultura at sining na kung saan ang binatilyo ay may hilig. Noong 1223 ay ...